1 Milyong Gantimpala Para Sa Pinakamalinis Na Brgy. Bawat Distrito, Ilulunsad Ni Mayor Isko

5937

Isang informative video ni Manila mayor Isko Moreno ang naglalayon na maiparating sa mga ka-lungsod nito ang mga problema at solusyon ng Maynila. Nauna na nitong tinalakay sa maganda nitong presentasyon ang malawak na problema sa basura. 

Problema Sa Basura 

Ayon kay Isko, maraming dahilan kung bakit lumawig ang problema sa basura ng Maynila. Una rito ay maling sistema ng koleksyon, walang takdang araw at oras ng pagkuha ng mga basura. Kaya naman ay naiipon ang mga basura at hindi naipapanatili ang kaayusan. Solusyon ni Manila mayor ay ang pagbabalik ng takdang araw at oras sa pagkolekta ng basura.

Ang mga garbage trak ay papasok sa mga kalye ng Maynila o Avenida upang kuhain ang mga naipong basura mula sa bawat tahanan. 

Reward Points System

Ikalawa ay ang “Pagkain sa Basura Program.” Inaanyayahan nito ang mga Manilenyo na magsagawa ng segregation at wag ihalo sa basura ang mga papel, bote, at iba pang maaari na marecycle dahil ang mga ito ay titimbangin.

Ang bawat kilo ay may katumbas na points. Ang bawat points naman ay may katumbas o kapalit na basic goods tulad ng pagkain, asukal, bigas, kape, o gatas. 

Street Sweeper Program 

Ang ikatlo sa listahan ni Moreno ay ang “honest to goodness street sweepers.” Aniya ay alas-sais pa lamang ng umaga ay magkakaroon na ng mga street sweepers upang mapanatili ang kalinisan sa Maynila.

Target nito makapagbigay ng libong trabaho para sa mga taga-Maynila. 

Pabuya Para Sa ‘Cleanest Barangay’ 

Ang huling parte ng video ay ang pabuya na 1 milyong piso para sa pinakamalinis na barangay. Sa pamamagitan ng isang kompetisyon ay maglalaban laban ang anim na distrito sa Maynila kung saang barangay ang hihirangin na pinakamalinis. Makakatanggap ang mananalong barangay ng 1 milyon na kung saan ay maaaring pandagdag pondo para sa pagpapanatili ng green project sa barangay. 

“Magkakaroon tayo ng kumpetisyon sa anim na distrito ng Maynila kung saan mananalo ang pinakamalinis na barangay ng P1 milyon na magagamit bilang karagdagang pondo para sa mga green projects,” pahayag ni Mayor Isko.


Source: Facebook/Isko Moreno

Facebook Comments