10 Taong Gulang Na Apo, Nagviral Matapos Kantahan Ang Kanyang Lola

4214

Isang 10 taong gulang na batang babae ang naging laman ng social media kamakailan dahil sa kanyang madamdaming pagharana sa kanyang lola habang ito’y nakahiga sa papag. Marami ang naantig sa pag-awit ng bata na dahilan upang magviral ang nasabing video.

Pag-alala Kay Lola

Tayo ay maraming masasayang ala-ala kasama ang ating mga lolo at lola. Madalas nuong tayo’y mga bata pa, sa kanila tayo naglalambing para sa mga luho na ayaw ibigay sa atin ng ating mga magulang. Sila ang madalas na kakampi natin sa mga oras na didisiplinahin na tayo ng ating nanay dahil sa ginawang kalokohan.

Ngayong tayong matanda na at may sarili na ring pamilya, may halong tamis at pait ang pag-alala sa ating mga lola. Marami sa atin ang nami “miss” ang arugang ibinigay ng ating mga lolo’t lola, ang mga pagmamahal na kanilang ibinigay.

Awit Kay Lola

Para sa 10 taong gulang na si Kristina Cayla Flores Dolola, tubong Aklan, ang kanyang pagmamahal sa kanyang lola ay hindi matatawaran. Gagawin niya ang lahat para mapasaya lamang ito. Ito ang dahilan kung bakit nag-alay siya ng isang awitin para sa kanyang lola.

photo courtesy of Facebook/Kristina Cayla Dolola

Kinanta ni Kristina ang awiting “Aking Pagmamahal” sa harap ng kanyang nakaratay na lola. Ang kanyang magandang boses at ang liriko ng kanta ay umantig sa puso hindi lamang ng kanyang lola kundi ng libo libong mga netizens na nakapanuod nito.

photo courtesy of Facebook/Kristina Cayla Dolola

Viral Video

Dahil sa madamdaming niyang pagkakanta ng awitin, at ang hangarin niyang mapasaya ang kanyang lola, nagviral ang nasabing video na inupload ni Kristina sa Facebook. Sa ngayon ay umabot na ng 167K shares ang video at may lampas sa 8K reaksyon.

Marami ang naiyak sa pagkanta ng apo sa kanyang lola, at marami ang nakamiss sa kanilang mga sariling lola. Dahil sa dami ng naantig dito, hindi nakapagtataka kung mapanuod natin sa programang Kapuso Mo Jessica Soho ang kwento ni Kristina at ng kanyang lola.

Aking Pagmamahal

Geplaatst door Kristina Cayla Flores Dolola op Vrijdag 21 juni 2019

Source: Facebook

Facebook Comments