9 Na Pulis Na Sangkot Sa Illegal Collection Sa Mga Vendor, Pina-dismiss Ni Mayor Isko

7378

Ngayong araw, Hulyo 8, Lunes ay dinismiss ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang siyam na ranking police mula sa Precinct 11 dahil umano sa pangongolekta ng pera mula sa mga illegal vendors sa Binondo.

Na-dismiss Na Mga Ranking Police 

Ayon kay Mayor Isko, ang siyam na dinismiss na pulis ay sinasabing konektado sa mga tinatawag na “organizers” na syang nangongolekta ng pera sa mga il1egal vendors.

Na kung saan ang kabayaran ay upang makapagtinda ang mga vendor kahit sa mga ipinagbabawal na lugar. 

Ilegal Na Collection Fee Sa Mga Vendor 

Pagbabahagi ni Moreno sa isang news conference, 

“It seems at certain times of the day, pagtalikod ko, may mga ilang individual uniformed personnel engaging, interacting (with) so called ‘organizers’ and barangay officials.” 

Dagdag pa nito, 

“Saan kayo nakakita na ang barangay chairman, utusan ang colonel? Saan kayo nakakita na ang barangay chairman, utusan ang major?

Mga Na-relieve Na Pulis 

Kinilala ang mga Manila Police officers na narelieved sa kanilang posisyon bilang sina: Lt. Col. Antonietto Eric Mendoza, Maj. Robinson Maranion, Maj. Alden Panganiban, Cpt. Bernardino Venturina, Cpt. Jerry Garces, Cpt. Manuel Calleja, Lt. Jerry Campo, Lt. Maribel Casayuran, and Lt. Maricel Pili.

Bagong Police Officers Sa Precinct 11 

Kaugnay dito ay iprinesenta ni Moreno ang mga bagong police officers para sa Precinct 11: Lt. Col. Noel Calderon Aliño, Captain Manolito Vedana Flores, and Major Salvador Bagne Tangdol

Babala Ni Mayor Isko 

Nagbabala naman ang bagong halal na alkalde ng Maynila na hindi ito titigil sa paglilinis ng Maynila at pag-alis ng korapsyon sa kanyang administrasyon. Pangako nito,

Photo courtesy/Rappler

“I will not stop, I will not hesitate. The people of Manila deserve better from the city government of Manila.” 

Dagdag nito, 

“‘Di ko na papangalanan. Poposanan ko na lang.” 

Almusal Ni Mayor 

Naging mas masigasig ang Mayor Isko sa patuloy at walang pagod na pagpapasaayos ng Maynila. Kamakailan lang din ay nag-viral ang ginawa nitong pag-iikot sa Maynila upang hanapin ang iba pang problema ng syudad at hanapan ng karampatang solusyon. 

Source: Inquirer.net

Facebook Comments