Anak, Iniipon Ang Baong Ibinibigay Ng Ina Para Maipagamot Ang Sariling Mata

6530

Isang video ang kumakalat sa social media ngayon ang tiyak na aantig sa puso ng sinumang makakapanuod. Sa nasabing video ay makikita ang kagustuhan ng isang batang lalaki na maipagamot ang kanyang isang mata na bulag. Iniipon niya ang mga dapat sana’y pambili niya ng sopas sa eskwelahan upang maipagamot niya ang kanyang mata.

Nakabibilib Na Bata

Sa isang video na ibinahagi ng inang si Crisalyn Moreno sa Facebook, makikitang kinakausap niya ang anak habang nagkukwento ito tungkol sa kanyang eskwelahan. Sinabi ng anak na ang mga baong binibigay ng ina ay iniipon nito sabay kuha ng isang bimpo na puno ng barya mula sa kanyang cabinet.

Sabay na binilang ng mag-ina ang perang naipon ng bata. Ng tinanong ng ina kung saan sya kumuha ng pera, sinabi nitong ang dapat na pambili niya ng pagkain sa skul, ang sampung pisong ibinibigay ng kanyang ina, ay hindi niya ginagastos at iniipon niya ito.

Pangarap Ng Musmos

Sa caption na inilagay ng inang si Crisalyn Moreno, nakakadurog ng puso na marinig mula sa anak na kaya ito nag-iipon ay para maipacheck-up diumano ang kanyang mata. Makikita sa video na bulag ang isang mata ng kanyang anak.

Ayon din sa inang si Crisalyn, gustong gusto ng maipagamot ng anak ang kanyang diperensya sa mata ngunit alam nitong wala silang sapat na salapi upang mapagamot ito. Ito ang dahilan kung bakit nag-iipon ang mabait na anak, upang sa gayon ay hindi na mamroblema pa ang mga magulang sa pagpapacheck-up sa kanya.

Sana’y Matulungan

Sadya ngang masakit isipin na mayroong mga batang puno ng pag-asa sa buhay ngunit salat naman sa kahirapan. Ngunit sa tulong na rin ng mga netizens at sa awa ng Diyos, alam nating maraming tutulong sa kalagayan ng batang ito sapagkat isa siyang inspirasyon sa ating lahat.

Marami na sa ating mga kapwa netizens ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang tumulong sa bata, at marami pa ang tiyak na tutulong. At dahil na rin sa pag viral ng nasabing video, hindi malabong mangyari na makarating ito sa mga programang tumutulong sa katulad niya, katulad ng Kapuso Mo Jessica Sojo, at maging ang programa ni Raffy Tulfo.

SORRY ANAK!!!!Nakaka durog nman Ng puso ang anak ko 😢 pinapagalitan ko lagi pag nkikita kong malinis Ang tasa niyang dinadala sa school dahil inisip ko binibili niya lng Ng Kung ano2x Ang bnibigay Kong 10 araw2x para sa soup niya….Un pala iniipon na niya para mapa check up na ung mata niya 😭Matagal na niyang tinatanong sa akin Kung paano daw siya makakapagtrabaho Ng magandang trabaho pag laki niya gayong bulag nman Ang Isa niyang mata😭 baka d daw siya tanggapin paano niya daw kami mabibilhan Ng sasakyan Ng papa niya. Ang dami nga daw Ng aasar sa kanya na bulag at duling siya😭😭Ang sakit2x sa pakiramdam na wala akong maisagot Kung paano nga ba ang kinabukasan niya pagdating Ng araw😥

Geplaatst door Crisalyn Moreno op Zaterdag 27 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments