Anak Ng Dating Yaya Nila Tulfo, Umani Ng Galit Sa Netizens Sa Kakapalan Ng Mukha

29457

Isang video ngayon ang umaano ng batikos galing sa mga netizens dahil sa nakakainis na inakto ng isang anak ng tinulungan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa.

Pamilya ang turing

Dalawang taon na ang nakakaraan nang inere ang episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan lumapit sakanila sa studio ang dati nilang yaya noong mga bata pa sila.

Dahil pamilya na ang turing ni Raffy sa Nanay Rosa niya, hindi naman ito nagatubiling tulungan ito. Kasabay ng mga tulong na ibinigay ay ang pag sorpresa nito ng kain sa labas, spa at pagpapaparlor. Pagkatapos nito ay isinama pa ni Raffy sa bahay niya ang matanda upang ibigay ang mga regalo pati na ang perang pabaon.

Nangailangan uli

Kahapon ay inere ang isang episode kung saan bumalik ang anak ni Nanay Rosa na si Jolly sa studio upang humingi uli ng tulong. Walang pagdadalwang isip naman na tinulungan sila ni Raffy uli.

photo screenshot/Raffy Tulfo In Action

Kasama ng pagtulong ng programa kila Nanay Rosa ang pagpapadala ng staff sa Leyte upang maiabot ang tulong. Pagdating doon, nalaman na nasa danger zone na ang bahay nila at pinayuhan sila na humanap nalang ng apartment.

Simula ng kakapalan

Napagpasyahan na magapartment nalang daw sila at magpapadala ng limang libo kada buwan si Raffy upang makabayad sila ng upa. Subalit hindi ito tinanggap ng anak ni Nanay Rosa na si Jolly.

Ayon dito, paano daw kung wala na ang nanay niya? Batid pa nito sana daw ay sariling bahay na nila at hindi nangungupahan lang.

photo screenshot/Raffy Tulfo In Action

Di pa nakuntento, nanawagan pa kay Raffy na sana daw ay dagdagan ang 5000 para may pangbayad sila sa tubig at kuryente. Nabanggit rin nito na walang trabaho ang asawa niya at maging siya ay hindi sanay magtrabaho.

May ikakapal pa pala

Sa pagtawag ni Raffy sa kanyang reporter upang kamustahin ang sitwasyon, nakausap nito si Jolly kung saan umapaw ang mga requests.

Dito na din binanggit ni Jolly na sana daw ay dagdagan ni Raffy upang makabayad sila ng kuryente at tubig. Sinangayunan naman ito ni Raffy ngunit hindi pa tumigil si Jolly. Naghingi pa ito ng alahas, yung tunay daw dapat at hindi peke.

photo screenshot/Raffy Tulfo In Action

Sabi nito ay ang nanay daw niya ang nagrequest. Nakatunog naman si Raffy at tinanong siya, baka naman daw siya lang ang nagrerequest nito upang maisangla dahil simula naman noon ay hindi nahilig sa alahas ang dating yaya ni Tulfo.

Hindi pa natapos ang anak ay nagtanong pa ito, sakali daw bang wala na ang nanay nila ay magpapadala pa si Tulfo?

Pinili naman ni Raffy na wag na sagutin yun sa puntong iyon.

Panoorin ang video sa baba.

NAKU PO! 😳😳😳

Geplaatst door Mnolly Timbol op Vrijdag 12 juli 2019

Facebook Comments