Babae Humugot At Nagsplit Sa Police Station Sa Iloilo Matapos Sitahin Sa Bar

297

Hindi na bago ang mga nakakatawa at nakakagalit na kwento ng mga tao kapag sila ay lasing o wala sa normal na pagiisip. Lalo na sa panahon ngayon na uso na ang social media at mga pictures.

Labis na kalasingan

Isang babae ang laman ng balita ngayon dahil umano sa kakaibang inakto nito nang mahuli ng pulisya at dalhin sa Police Precinct ng Iloilo City.

Napagalaman na nagwala ang babae sa bar sa Barangay Boulevard Molo kaya ito hinuli ng mga pulis. Ang ginawa ng babae pagkarating sa police station ang nakakuha ng atensyon ng mga tao maging ng mga pulis na naroon sa stasyon ng mga panahong iyon.

Kakaibang hirit

Ikinagulat naman ng mga pulis ang ginawa ng babae nang bigla itong humugot at umawit pa ng kanta ng Aegis. Hindi pa nakuntento, nagsplit pa umano ang babae na siya namang nakuhaan ng litrato.

photo courtesy/ABS-CBN News

Matapos ang tila mala-concert na performance nito sa police station ay humugot pa ito sa mga pulisya. Nagsilbing tagapakinig ang mga pulis ng kanyang mga hinaing sa lovelife man o sa pamilya. Anupaman, nanatiling nasa kustodiya ng mga pulis ang babae hanggang sa mawala ang pagkalasing nito.

Hindi ito una

Ayon sa Iloilo Police, hindi ito ang unang beses na nahuli ang 37 anyos na babae na ito. Sa katunayan, ikalawang beses na itong nahuli dahil sa pagwawala dahil sa labis na kalasingan.

Nireport naman ng ABS-CBN news na nanatili raw ang babae sa pulis station at hinintay ng mga police na ito ay mahimasmasan bago ito pinayagang makauwi.

Marahil ay nakauwi rin ng maayos ang babae matapos mahimasmasan at mawala ang kalasingan. Magsilbi sanang leksyon ito sakanya at nawa’y hindi na madagdagan at magkaroon pa ng pangatlong pagkakataon ang kanyang pagkahuli.

Ano nalang kaya ang ipeperform niya kung may pangatlong pagkahuli pa?

Source: ABS-CBN News

Facebook Comments