Bayani Agbayani Sa SONA, “Tigilan natin ang paghila pababa sa nakaupo sa gobyerno”

42433

Isa sa mga artistang dumalo sa nagdaang State of the Nation Address ng Pangulong Duterte ay si Bayani Agbayani. Kaya naman natanong ito ng ilang press sa kung ano ang mga opinyon nito ukol sa speech ng pangulo. 

Magandang Pamamalakad 

Aniya, ikinatutuwa nito ang pamamalakad ng pangulo dahil ngayon lamang ay nagkakaroon na tayo ng PNP na pinagkakatiwalaan na ng mga tao, may mga malasakit centers na din, at napadali na ang pagkuha ng mga IDs para sa ating mga mamamayan. Ipinagmalaki din ni Bayani ang mabilis na pagkawala ng tanim-bala at ang libreng pag-aaral sa pampublikong mga eskwelahan katulad ng UP at PUP. 

Pag-amin Ng Kahinaan 

Nang tanungin kung ano ang pinaka nagustuhan nito sa sinabi ng pangulo ay ang pag-amin nito sa kanyang kahinaan at pagiging transparent nito. Aniya, ang laban nito na maalis nang tuluyan ang korapsy0n sa g0byerno ay isang napakahirap na gawain. Ganunpaman, masaya ito dahil kumikilos ang pangulo para linisin ang gobyerno. Sa sariling pananalita nito,

“May naglilinis” 

Pangakong Taas Sahod Sa Mga Guro 

Nang matanong naman ang komedyante kung anong pangako ng pangulo ang nagustuhan nito ay mabilis nitong sinabi ang ukol sa standardization law sa sweldo ng army at mga guro. Dagdag pa rito ay ang pagiging transparent ng pangulo ukol sa isyu ng WPS. Aniya ay nasa possession na ng China ang WPS at magiging delikado umano para sa ating mga sundalo at army na isugod ang mga ito laban sa Tsina. Kaya naman ay ang natatanging sagot na lamang ay isang diplomatikong paguusap ng dalawang bansa.

Suportahan Ang Pangulo 

Isang napakagandang mensahe naman ang ipinarating ni Bayani para sa marami, aniya, tapos na ang eleksyon at may nanalo nang pangulo. Nararapat lamang na suportahan kung sino ang naupo. Hirit nito, tatlong taon na lamang ang natitira sa serbisyo nito at hindi biro ang paglilinis ng isang g0byerno. Banat nito ay tigilan na ang paghahatakan pababa at tumulong na lamang sa pagpapaunlad ng bansa. 

Bayani Agbayani

WATCH | Ano nga ba ang mga nagustuhan ni Bayani Agbayani sa #SONA2019 ni Pangulong Rodrigo Duterte?

Geplaatst door News5 Features op Dinsdag 23 juli 2019

Source: News5

Facebook Comments