Viral Barangay Chairman Na Hinamon Ni Mayor Isko, Lumitaw Na

4557

Ngayong araw ay sumuko na ang barangay chairman mula sa 5th district na hinamon ni Manila mayor Isko Moreno bunsod ng diumano pagbunot nito ng baril at pambubugb0g sa isang residente. Linggo ng umaga nang magbigay ng palugit si Mayor Isko na lumitaw ang barangay chairman na diumano ay nagtatago. 

Viral Na Barangay Chairman 

Sa opisina ni Mayor Isko ay dumalo ang diumano nang-agrabyado na barangay chairman. Kinilala ito bilang si Chairman Amado Soriano na syang pinasalamatan ni Mayor Isko dahil naging matapang ito sa pagharap ng kinahaharap na isyu o problema.

Naging maluha luha naman si Chairman Soriano nang hingian ito ng pahayag kung ano ang masasabi nito sa mga akusasyon sakanya. Aniya ay dinepensahan lamang nito ang pananakit ng kabilang partido sa kanyang anak. Matatandaang nag-viral ang video ni Soriano nang bumunot ito ng baril sa gitna ng alitan ng ibang residente sa Sta. Ana, Maynila. 

Reklamo Ni Chairman 

Sa pahayag ni Soriano, aniya ay hindi ito pinapakinggan ng mga residente. Iginiit nito na maayos ang kanyang barangay at sa katunayan ay naisaayos nya ang mga delinkwente sa kanilang lugar. Ayon sa nakaraang pahayag ni Mayor Isko, problema sa parking ang naging ugat ng alitan. 

Idaan Sa Tamang Proseso

Matapos ang pahayag ni Soriano ay naghiyawan ang mga biktima na sya ring nasa conference. Hirit naman ng representante ng mga biktima, hindi umano totoo na laruan lamang ang baril na dala ng chairman katulad ng sinasabi nito. Para naman kay Mayor Isko, magsampa na lamang ng pormal na reklamo ang mga biktima upang pormal ding maimbestigahan ng mga pulis. 

Maging Aral Sa Lahat 

Dagdag pa ni Mayor Isko, hindi sya ang nararapat na tao upang husgahan ang kaso ng dalawang partido bagkus ay idaan ito sa tamang proseso ng batas. Aniya ay maging aral ang kaso ni Soriano para sa mga iba pang barangay chairman na huwag idaan sa sariling kamay ang batas.

LIVE: Presentation of accused barangay chaiman, most wanted suspect for rape (6th most wanted by Manila Police District) and illegal towing suspects

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Zondag 28 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments