Congressman Na Nanapak Ng Waiter, Handang Tanggapin Ang Kaparusahang Ipapataw Sakanya

2936

Kamakailan ay nag-viral ang video ng isang Congressman na sumapak sa isang waiter sa Legazpi City. Ang sinasabing congressman ay kinilalang si Ang Probinsyano Party-list representative Alfred Delos Santos.

Sa isang interview ng DZMM kay Delos Santos ay sinabi nitong handa itong harapin ang kahit na anong sanction na ipapataw sakanya ng party-list group.

Batid nito,

“I will humbly accept whatever decision you make dito po sa nangyari.”

Posibleng Masibak Sa Pwesto

May posibilidad umano na masibak ito sa pwesto sakaling mapatunayan na nang-abuso nga ito sa waiter na biktima na kinilalang si Christian Kent Alejo. Ang 20-taong gulang na biktima ay nagtatrabaho bilang waiter sa Biggs Diner sa Legazpi City. Nanghingi naman ng kapatawaran ang congressman na personal na nagpunta mismo sa bahay nina Alejo. Aniya,

“Humihingi ako ng paumanhin sa ‘yo, kay Christian Kent… kay Christian Kent Alejo, gusto ko lang mag-apologize lalong-lalo na sa ‘yo at sa ‘yong pamilya at ikaw ay aking nasaktan dahil sa nagawa ko.”

Hindi Napigilang Emosyon

Ayon dito ay hindi lamang nito napigilan ang emosyon noong nangyari ang insidente. Pahayag naman ng Ang Probinsyano party-list spokesman Atty. Joco Sabio,

“We will not tolerate any kind of abuse in our party. We will not hesitate to suspend or even remove Congressman Delos Santos if we establish that this was an unprovoked attack.”

Dagdag pa nito,

“His actions and his decisions are his own and should not reflect on Ang Probinsyano as a party and as an organization.”

Viral Video

Matatandaang nag-viral ang video ng pananapak ni Delos Santos kay Alejo umaga ng July 7 sa isang restawran. Nagsimula umano ang insidente nang dahil sa masama umano ang pagkakatingin ng waiter na si Alejo kay Delos Santos. Dahilan para sapakin nito ang waiter.

Ayon kay Kent, pinigilan umano sya ng pinagtatrabahuan na restawran na magsampa ng demanda dahil regular na customer si Delos Santos. Ganunpaman, hindi ipinagkait na ibigay sa kanya ang kopya ng CCTV footage nang mangyari ang insidente na syang nag-viral sa social media ngayon.

BAGUHAN CONGRESSMAN NA "ANG PROBINSYANO PARTY LIST" ALFRED DELOS SANTOS, NANAPAK NG WAITER!Huli sa akto ng pananapak ng ‘Ang Probinsyano’ first nominee na kinilalang si Alfred delos Santos sa loob ng isang restaurant, base sa kuha ng CCTV.Sa kuha ng video makikita na nagkaroon ng masinsinang usapan si delos Santos at isang service crew sa restaurant sa Legazpi City, Albay.Makikita na biglang tumayo ang kongresista, na nakasuot ng itim, sabay sinapak ang mukha ng service crew dahilan para matanggal ang suot nitong sombrero. Sa time stamp ng kuha sa CCTV, makikita na naganap ito noong Linggo, Hulyo 7, bandang alas-8:52 ng umaga.Ayon sa ulat, nagkainitan umano si delos Santos at ang crew matapos na hindi nito makilala na kongresista ang Ang Probinsyano 1st nominee.Nagpa-blotter umano ang empleyado ng restaurant ngunit sinabihan ng awtoridad na kongresista ang binabangga nito.

Geplaatst door Philippines CCTV & DASH CAM Spotted op Woensdag 10 juli 2019

Source: Politiko

Facebook Comments