Dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña, Nagsalita Na Tungkol Sa Pagsira Ng Cebu Mayor’s Office

16209

Kamakailan ay naging laman ng balita ang diumano’y pagsira at pagbawi ng mga kagamitan sa Cebu City Mayor’s Office sa paguutos ni outgoing mayor Tommy Osmeña, naging kontrobersyal ito at naging tampulan ng batikos dahil sa tila hindi umano matanggap ng dating alakalde ang kanyang pagkatalo kung kaya’t ginawa niya ito.

Sore Loser ?

Sa isang panayam ng programang DZMM kay outgoing mayor Tommy Osmeña, sinabi nitong kanyang pagmamay-ari ang mga kagamitan sa Mayor’s Office ng Cebu kung kaya’t karapatan niya ring tanggalin ang alinmang gamit na gustuhin niya.

photo courtesy of Facebook / Superbalita Cebu

Sinabi ng dating alkalde na simula pa nuong siya’y unang naupo bilang mayor noong 2010, hindi na umano siya binigyan ng City Councill ng budget upang ayusin ang kanyang opisina kung kaya’t sariling pera umano niya ang kanyang ginamit para dito.

Hinarang Ng Council

Ayon kay Osmeña, ang mga kalaban niya sa politika ang humarang ng budget kung kaya’t maging nuong taon 2016 kung saan muli siyang naupo bilang alkalde ay hindi rin naaprubahan ang budget para sa kanyang opisina. Ang ginawa niya ay ginamit niya ang kanyang sariling pera at kontribusyon ng mga kaibigan para mapaganda ang kanyang opisina.

photo courtesy of Facebook / Superbalita Cebu

“I know sa mga tao it’s very unusual for the mayor to strip his office… But on the other hand, it’s also very rare na that the city council will not allow the mayor to fix his office,” ang sabi ng dating mayor ng Cebu City.

Handa Sa Asunto

Sinabi rin ni Osmeña na ginawa niya ang nasabing pagbawi ng mga ginastos sa Mayor’s Office upang maranasan din ng bagong mayor ang nangyari sa kanya nuong siya ay alkalde pa. “Ako ang naggastos sa mayor’s office. I had to spend for everything… I decided to remove everything so he would know what it feels like,” dagdag ni Osmeña.

photo courtesy of Facebook / Superbalita Cebu

Handa raw ang dating alkalde na harapin ang anumang kaso na maaaring isampa laban sa kanya, sa korte man o sa Ombudsman. Samantala, kinumpirma ng Department of General Services of Cebu City na pag-aari lahat ni Tommy Osmeña ang mga gamit na kinuha niya mula sa dating opisina.

Source: pinoytrend

Facebook Comments