Former PCSO Chairman, Binulgar Ang Umano’y Anomalya Ng Small Town Lottery

12551

Nagsalita ang dating chairman ng PCSO at dati ring gobernador ng Cavite na si Ayong Maliksi hinggil sa talamak na katiwalian sa PCSO. Sinabi nito na nararapat lamang ang tuluyang pagbaban ng Small Town Lottery dahil halos nobenta porsyento ng kita ay hindi napupunta sa ahensya kundi sa mga tiwaling operators lamang.

Glorified Jueteng

Noong taong 2017 nagsimula ang Small Town Lottery, na ang layon ay tuluyan ng mapuksa ang Jueteng sa bansa at gawin itong legal kung saan makikinabang ang gobyerno at hindi ang mga Jueteng lords.

Ngunit taliwas sa inaasahan, imbes na puksain ang negosyo ng mga Jueteng Lords na ito, ay binigyan sila ng pagkakataon na maging mga operators, kung saan tuluyan nilang tinatamasa ang pagkamal ng salapi, sa tulong na rin ng mga tiwaling PCSO officials.

Maling Sistema

Sa isang panayam kay Ex-PCSO Chairman Ayong Maliksi na ibinahagi sa Facebook, sinabi nito na maski nuong kanyang termino bilang Chairman ng ahensya ay nalaman niya na ang katiwalian ng mga opisyales dito. Dahil nga sa nakasanayang korapsyon ng mga kawani, siya ay nagsilbing kontrabida sapagkat gusto niyang baguhin ang sistema.

Ayon kay Maliksi, siya ay nagmistulang abnormal dahil siya lamang ang ayaw sa korapsyon, at ang ibang mga opisyales ay ang mga normal. Naging madali rin ang kanyang termino dito sa ahensya na tumagal lamang ng isang taon at isang buwan dahil na rin sa pulitika.

Maruming Laro

Sinabi ni Maliksi na dapat ay huwag ng ibalik pa ang STL sapagkat “napakadumi” ng larong iyon. Ang nakikinabang lamang aniya ay ang mga operators at halos walang napupuntang pera sa gobyerno.

Idinagdag din niya na ang karamihan sa mga operators ay dummy owners lamang at ang tunay na may-ari ay ang mga dati ring Jueteng Lords. Bukod rito, halos nobenta porsyento ng kita ay napupunta sa operator at 10% lamang ang nakakarating sa pamahalaan.

WATCH: Ex-PCSO Chair and Cavite Governor Ayong Maliksi on why the agency should totally ban small-town lottery (STL) operations.In January 2017, the PCSO launched an expansion of STL operations to curb illegal gambling such as “jueteng” in the country.

Geplaatst door Rex Remitio op Zaterdag 27 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments