“Galawang Chavit” Kay Catriona Gray, Huli Sa Kamera

8392

Kilala ang personalidad na si Chavit Singson bilang isa sa mga tao na hindi nawawala sa bawat laban ng People’s Champ Manny Pacquiao, kahit saang bansa man ito. Kasama niya ngayon sa entourage ng boxer-senator ang Miss Universe ng Pilipinas na Catriona Gray, nakunan sila sa isang video na ngayon ay nagvi-viral sa social media.

Galawan

Sa isang 10-sec video na pinost sa Facebook page ni Senyora, makikita na magkatabing nakaupo si Catriona at Chavit. Si Catriona ay gumagamit ng smartphone niya at si Chavit naman ay tila pagod at inaantok.

Maya maya pa unti unting pumaling ang ulo na Chavit na akmang sasandal sa Beauty Queen. Subalit bago pa man lumapat ng lubusan ay napansin ito ni Catriona at napatingin ito.

Style o tunay

Pag-galaw ni Catriona napatingin ito kay Chavit, sabay gising naman ito at ayos ng damit niya na tila walang nangyari. Hindi mawari kung talaga bang nagising na siya sa akmang iyon o nagising nalang dahil nabuking na?

Matapos ang pangyayari, kita sa mukha ni Catriona na nagpipigil siya matawa sa nangyari.

Si Chavit naman ay nagayos ng damit na tila ba walang nangyari.

Pulso ng Netizens

Sa caption ni Senyora, inihalintulad niya si Chavit sa mga nakakatabi sa jeep na inaantok at pumapaling sa balikat ng katabi.

Bagamat may mga netizens na nagsabi ng walang malisya na pagod daw si Chavit at nakatulog lang daw, mas marami naman ang mga nang-asar at nagsabi na “Galawang Chavit”

Matatandaan na noong kakapanalo lang ni Catriona, nagviral din ang ilang pictures ng dalawa kung saan tila gustong dumikit ni Chavit sa Beauty Queen subalit mukhang umiiwas mapadikit si Catriona sakanya na tila ba nandidiri, ngunit nanatili parin syempreng nakangiti para sa camera.

Panoorin ang naturang video dito:

Yung katabi mo sa jeep:

Geplaatst door Senyora op Zaterdag 20 juli 2019

Source: Facebook/Senyora

Facebook Comments