‘0plan Hakot Estudyante’ Ni Tanauan Mayor Halili, Kinabiliban Ng Maraming Netizens

1360

Nito lamang mga nakaaang araw ay masama na ang panahon dulot ng habagat at Bagyong Falcon sa maraming karatig syudad sa North Luzon. Bunsod nito ay ang pagsuspinde ng mga klase sa mga estudyante sa lahat ng antas. Kabi-kabilang mga pagbaha at malakas na pagbuhos ng ulan ang kinaharap ng marami sa ating mga kababayan. 

0plan Hakot Estudyante 

Kung isa sa mga inaantay natin ay ang pag-anunsyo ng pagkakansela ng pasok mula sa mga alkalde ng bawat syudad, iba naman ang teknik ng alkalde ng Tanauan City, Batangas na si Mayor Angeline “Sweet” Halili. 

Sa Facebook post nito ay ipinakita nito ang isinagawang oplan hakot estudyante. Naghakot ito ng mga estudyante at isinakay sa kanyang sasakyan sa tulong ng iilang kasama nito nang sa gayon ay maihatid ang mga bata sa kanilang mga bahay sa kabila ng masamang panahon. Masayang masaya ang mga estudyante na tila mga nasa elementarya at high school pa lamang. Ayon sa isang post, 

“Sa pangunguna ng ating Mayor Angeline “Sweet” Halili ay nag sagawa sila ng Oplan: Hakot estudyante. Kung saan ay pinuntahan ng ating Mayor Angeline Halili ang mga eskwelahan upang ihatid sa kanilang mga tahanan ang mga estudyante.”

Personal Na Driver 

Sa bawat bababang estudyante ay lumalapit ang mga ito sa alkalde, yumayakap at nagpapapicture sabay pagpapasalamat sa paghahatid sa kanilang bahay nang ligtas. Ikinatuwa rin ng mga ito na ang Tanauan mayor ang kanilang driver kahapon. Makikita sa video na enjoy na enjoy ang mga kabataan at masayang masaya hindi lamang sa pagkakita, kundi sa pagiging concern sa kanila ng kanilang mayora. 

Kinabiliban Ng Netizens 

Bumuhos ang pasasalamat at pagkabilib mula sa mga netizen para kay Mayor Halili. Marami ang nagbigay ng testamento kung gaano kabuti at kagaling sa pamumuno ang mayora. 

Matatandaang si Mayor Sweet ang nanalong mayora ng Tanauan matapos ang pagkakapAsLaNg sa kanyang ama na sya ring nakilala sa pagiging mahigpit at tinitingalang mayor sa kanilang lungsod.

OPLAN HAKOT ESKWELA

Personal na naghakot ng mga estudyante si Mayor Angeline "Sweet" Halili sa mga Eskwelahanat inihatid sa kanilang mga lugar dahil sa malakas na ulan na dulot ng Habagat at Bagyong Falcon.Tuwang tuwa ang mga estudyante na nakasakay sa sasakyan ni Mayor at sya ang kanilang Driver.Masayang masaya din si Mayor Sweet na mapaglingkuran ang mga Batang Magaaral sa ,Elementary at High School.

Geplaatst door Tanauan City's Hope op Dinsdag 16 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments