Duterte, Isinusulong Ang Pagtatag Ng Ahensya At Healthcare Para Sa Lahat Ng OFW

3835

Ipinaplano ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga recruitment agencies at magtayo ng isang ahensya ng gobyerno na tututok sa mga OFW. Kaugnay rito ay maaaring sa gobyerno na mag-apply ang mga Pilipinong nais magtrabaho abroad upang mas masiguro ang kanilang seguridad at kaligtasan.

Banta Sa Mga Recruitment Agencies 

Isang malaking b4nta ng pangulo sa mga recruitment agencies ay ang tuluyang pag-ab0lish sa kanila sakaling magpatuloy pa ang mga kaso ng pang-aabus0 ng mga ito sa maraming OFW. Noong July 12 ay nagpahayag ang pangulo ng kagustuhan na ang gobyerno na ang humawak sa recruitment ng mga OFW sa ilalim ng Department of OFW. 

Ayon pa sa pangulo ay inaabus0 umano ng mga recruitment agencies ang mga mahihirap na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa at wakasan ang kahirapan sa buhay. Lahad nito,

“Kaya kayong mga recruitment, bilang talaga ang araw niyo. ‘Pag hindi ko kayo nadala sa usapan na maganda, brasuhan tayo, government supervision, and control because what has happened and has been happening is not acceptable to the Filipino now.”

Department of OFW 

Hinimok ni Duterte si Department of Labor and Employment Sec Silvestre Bello III na madaliin ang pagpapasabatas ng pagtatayo ng Department of OFW sa Disyembre. Si Senator Bong Go naman ay agad na nagkumpirma na nakapag-file na ito ng bill ukol sa hiling ng pangulo. 

Pangako naman ni Duterte, agad nitong pipirmahan ang bill sakaling makarating na ito sa kanyang opisina. 

“Kaya apurahin ko ‘yang Department of OFW. Bawal na ang recruitment sa abroad…sa labas. Kung gusto nila, diyan sila maglagay ng mesa. So under the supervision of government at walang horrendous charges,”

Healthcare Para Sa Mga OFW 

Sa kabilang banda, plano rin ng pangulo na magtayo ng mga ospital para sa mga OFW. Nais rin nito na magsabatas ng mga health care plans para sa mga ito. Dagdag pa rito ay balak nito na mag-assign ng mga police attachés sa bawat bansa na may maraming OFW upang mapabilis ang aksyon para sa mga  OFW na inaabus0 ng kanilang mga amo. 

“The police attaché will connect you to…dito sa Pilipinas kung ano ang problema. And they will be trained to help you in legal matters of how to do it in the meantime that you are not here to solve the problem,”

Pres. RODRIGO DUTERTEMagpapatayo ng OFW DEPARTMENT

Geplaatst door Abs-Cbn GMA Teleserye op Dinsdag 23 juli 2019

Source: Pinoy Trend 

Facebook Comments