Babaeng Ralihista, Huli Sa Akto Na Nagva-vandal Sa Maynila

67606

Bawat kalsada ay tipikal na sa atin na makitaan ng mga bandalismo. Sa pag-iikot sa Metro Manila ay marami nito, pampubliko man o pampribadong pag-aari. Kadalasan, ang mga graffiti na ito ay may kaakibat na mabibigat na salita na may layunin na iparating sa masa at gobyerno. 

Bandalismo Sa SONA 

Ngunit sumagi ba sa ating mga isip kung sino ang mga taong gumagawa nito? Ngayong umaga lang ay nagpost ang isang Facebook page na Happy Riders PH ng isang larawan ng babae na kuha sa aktong nagva-vandal sa isang government property sa Maynila.

V!ral Photo 

Ayon sa source ng larawan, ito ay kuha sa mismong araw na ginanap ang SONA ng Pangulong Duterte. Sa larawan ay makikita ang babae na may hawak na spray paint habang inaabot ang isang street sign.

Sa gilid naman ng litrato ay makikita ang mga ralihista na nagmamartsa. Hindi naman pinalampas ng kumuha ng litrato na hindi makuha ang mukha ng taong naaktuhan na nagva-vandal. 

Dismayado 

Nagpahayag ng pagkadismaya at inis ang maraming netizens nang makita ang litrato. Anila ay hindi dapat sinisira ng babae ang anumang pag-aari ng gobyerno. Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong pagkakakilanlan ang babaeng nasa viral photo. 

Vandal Sa Mendiola 

Kahapon din lamang, may isa pang insidente ng vandalism ang naireport bandang Mendiola.  Noong Sabado lamang ay nilinis ng mga volunteer na bumbero at staff ng Manila City government ang monumento sa Mendiola. Ngunit pagdating ng mga ralihista mula sa CALABARZON, wala pang 24 oras nang linisin ito ay mayroon na itong bandalismo. 

Sa kabilang banda, ang Manila Mayor Isko Moreno na puspusan ang paglilinis sa Maynila ay wala pang naibibigay na komenti ukol sa insidente. 

Ordinansa Laban Sa Vandalism 

Sa Lungsod ng Valenzuela naman ay may panuntunan sa pagbabawal sa vandalism na kung sino man ang mapapatunayan na lumabag ay mapapatawan ng 5,000 pisong multa at pagkakakulong ng 21 hanggang 30 araw o isang buwan.

Noong 2013 naman ay pinangunahan ng d4ting senador Miriam Defensor Santiago ang Anti-Vandalism Act na kung saan ipinagbabawal ang bandalismo at pagbabawal ng pagtitinda ng spray cans sa mga kabataan na nasa edad 18 pababa. 

Source: Pinoy Trend

Facebook Comments