Isko Moreno, Nagpapasikat Lamang Ayon Kay Dating Manila Mayor Estrada

34502

Nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ng DZMM ang dating Manila mayor Joseph Ejercito Estrada. Dito ay nagbigay ito ng maaanghang na komento ukol sa mga pagbabagong nagaganap sa Maynila sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno.

Maanghang Na Komento

Nang hingan ito ng opinyon ukol sa mga pagbabagong nagaganap at mga hakbangin ng bagong alkalde ay ito ang naging komento ng dating mayor ng Maynila.

“Madali lang naman yung linisin mo lahat ‘yan. Pero kawawa naman yung ilang bibig, ilang bata…”

Banat nito kay Mayor Isko, “..madali lang magpasikat eh, madali ‘yan. Isang utos ko lang meron ‘yan.”

Hirit pa nito, “Ilang taon na ako naging mayor- sa San Juan, sa Maynila— naging president pa ako. Madali yan iutos pero titignan mo yung kapakanan ng mga kapwa tao mo lalo na ‘yung mahihirap.”

Bagong Pagbabago Sa Maynila

Naging puspusan ang pagbabago na nagaganap ngayon sa Maynila dulot ng napakaraming problema ng syudad. Sa unang araw pa lamang ng pagkakaupo ng bagong alkalde nito ay agad nitong niresolba ang magulo at ma-trapik na kalye ng Divisoria at Tondo.

Tinutukan nito ang Manila Zoo pati na din ang mga nakahambalang sa daan na mga sasakyan. Pati na din ang talamak na korapsyon sa Maynila ay masusi nitong nireresolba.

Malaking Utang

Usap-usapan ngayon ang diumano malaking pagkakautang na iniwan ni Estrada sa Maynila na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso. Ibinulgar ito ng Commission on Audit. Sa kabilang banda ay walang balak si Mayor Isko Moreno na kasuhan ang dating alkalde bagkus ay iniwan nito ang responsibilidad sa gobyerno.

Source: Manila Bulletin/FB

Facebook Comments