Mga Adhikain Ni Mayor Isko Moreno, Suportado Ng Duterte Administration

5003

Naging matunog ang pangalan ng bagong alkalde ng Maynila dahil na rin sa kanyang ginawang paglilinis ng mga lugar na dati-rati’y hindi magawang ayusin ng mga lumipas na mayor ng lungsod. Kabilang na nga rito ang Divisoria, Carriedo, Blumentritt at iba pa. Bukod rito, may iba ring programa si Moreno na lubos na ikinatutuwa ng karamihan.

Suporta Ng Administrasyon

Dahil na rin sa kasipagan ng bagong mayor ng Maynila, kaliwa’t kanan ang mga papuri niyang natatanggap. Nito ngang Hulyo 11, 2019 ay dumalaw ang isang miyembro ng gabinete na si Secretary ng Department of Transportation na si Arthur Tugade sa opisina ni mayor Isko Moreno upang magbigay ng suporta sa mga proyekto nito.

Nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang mga opisyales ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board, (LTFRB), MARINA, PPA, at mga representante ng JICA.

Yakap At Papuri

Sa kanilang pagkikita, nagyakap ang dalawang dating magkatrabaho at di napigilan ni Sec. Tugade na paulanan ng papuri ang bagong mayor. Sinabi nitong bilib siya kay Moreno sa pagiging tapat nito sa tungkulin at adhikain na pagandahin ang Maynila. Sinabi rin nito na huwag sanang magsawa ang mayor sa kanyang ginagawa at buo ang suporta ng administrasyon sa kanya.

“Bumulong ako sa kanya at sinabi ko: ‘Boss, wag kang bibitaw. Nandirito kami at nandirito ang pamahalaang Duterte, nandirito ang Kagawaran ng Transportasyon. Wag kang bibitaw,” kwento ni Tugade sa mga reporters na dumalo.

Masaya Sa Suporta

Sinabi naman ni mayor Isko Moreno na siya ay na-touch sa ginawang pagdalaw ng isang taong malapit sa pangulo. Natutuwa siya at marami ang nakaka appreciate ng ginagawa niya para sa lungsod ng Maynila.

“Words inspire people but actions speak louder than words. This is just a way of appreciating because I’ve been asking for help and the first secretary who went here, Cabinet, you know he is representing the President technically speaking, so his visit here, it’s something I am happy about. It’s touching,” pagwawakas ni Moreno.

Source: ABS-CBN News

Facebook Comments