LOOK: Bagong Mukha Ng Baclaran, Viral Ngayon Sa Social Media

14699

Dahil sa ginawang paglilinis sa mga matatao at masisikip na lugar sa Maynila, tila kumakalat na ang magandang adhikaing ito, sapagkat maging ang Baclaran, na isa rin sa pinaka masikip na lugar sa bansa ay nagkaroon na ng bagong mukha sa tulong na rin ng alkalde ng lungsod ng Paranaque na si Mayor Edwin Olivarez

Operati0n Linis

Marahil ay naging inspirasyon ang ginawang paglilinis sa mga lugar tulad ng Divisoria at Carriedo, sapagkat marami na sa ating mga alkalde ang sumunod sa mga yapak ni Manila mayor Isko Moreno na pinangunahan ang clean-up and clearing operations sa kanilang lungsod.

Bungsod nito, nakakagulat rin ang naging pagbabago sa isa sa matatawag na shopping mecca ng taong masa, ang lugar ng Baclaran sa Paranaque. Marami ang nagdududa kung kaya nilang linisin ang dugyot na lugar na ito, ngunit naging hamon ito sa mga namumuno sa nasabing lugar.

Bagong Anyo Ng Baclaran

Sa isang post na ibinahagi ng netizen na si Rachel Garcia sa Facebook, nakamamangha rin ang kalinisan sa dati-rati’y marumi at masikip na lugar. Ang Baclaran ay dat!ng pamoso sa pagiging masikip at pagiging pugad ng mga masasamang loob tulad ng snatch3rs at h0ldapers.

Dahil na rin sa pakikipagtulungan ng butihing mayor ng Paranaque na si mayor Edwin Olivarez at ng mga punong barangay sa lugar, nagawa nilang linisin ang Baclaran. Hindi rin ito pahuhuli sa kalinisan kung ikukumpara sa Divisoria at iba pang pook sa Maynila.

Reaksyon Ng Netizens

Marami sa ating netizens ang natuwa ang humanga sa pagbabago sa Baclaran. Sa katunayan, ang nasabing post ng netizen na nagpapakita ng mga larawan ng malinis na Baclaran ay nag-viral at halos 10K shares na at halos 2.7K na reaksyon mula sa ating mga kapwa netizens.

Ang nangyaring pagbabago sa Baclaran ay patunay lamang na gaano man kahirap ay kakayanin kung magkakaisa ang mga residente at mga lider dito. Nawa’y tularan ito ng iba pang mga lungsod para sa mas malinis na bayan.

Source: Facebook

Facebook Comments