Larawan Ng Lawton Sa Maynila, Pang PostCard Sa Ganda!

1648

Dahil na rin sa mga pagbabagong naganap sa Maynila, marami ang nakakapuna ng kakaibang kalinisan at kagandahan nito. Isang larawan mula sa photographer na si Gilbert Santiago ng Lawton sa Maynila ang nagpapakita na ang isang dating eyesore tulad ng Lawton ay maaaring gumanda at maging postcard worthy.

Parang Postcard

Sa isang larawan na ibinahagi ng official page ni mayor Isko Moreno sa Facebook, isang makulay na larawan ng Lawton ang ikamamangha ng sinumang makakakita nito. Napakaganda na ng Lawton pati na ang City Hall. Mahirap isipin na kailan lamang ay ni hindi natin ito bibigyan ng ikalawang sulyap sapagkat marumi at dugyot ang mga nasabing lugar.

Ang nasabing larawan, na kinunan ng photographer na si Gilbert Santiago, ay nagpapakita sa kagandahan ng Bonifacio Mounment at ang clock tower ng City Hall sa gabi. Marami ang nagulat sa ganda nito at sinabi ng mayor na pwede itong gawing postcard sa taglay nitong kariktan.

Bunga Ng Sakripisyo

Ang natatagong ganda ng mga lugar sa Maynila ay hindi makakamtan kung hindi sa maigting na pagpapatupad ng programa ni mayor Isko Moreno. Ang kanyang mga mahigpit na pagpapatupad ng batas para mapaganda ang Maynila ay unti unti ng nagbibig4y bunga at napapansin ng taumbayan.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng mayor upang ayusin ang kanyang lungsod. May mga pagkakataon na kahit dis-oras ng gabi ay nag-iikot ito para tingnan ang lungsod. Maging ang mga sumbong ng mga netizens ay agad rin nitong tinutugunan kung kaya’t madaling nahuhuli ang mga may sala.

Reaksyon Ng Netizens

Marami sa ating mga netizens ang humanga at bumilib sa naturang larawan ng Lawton. Mayroong nagmungkahi na sana’y ipunin at gawing kalendaryo ang mga magagandang larawan ng Maynila sa susunod na taon, upang maging paalala ang mga pagbabagong naidulot ng maayos na pamamahala.

Marami rin ang nagpasalamat sa pag-aayos ng Bonifacio Shrine sapagkat marami na ang nagpupunta rito dahil hindi na ito d3likado tulad ng dati, marami na itong pailaw at may mga pulis na ring umiikot sa naturang shrine.

Source: Facebook

Facebook Comments