Look: Mga Viral Photo Ng ‘Bagong Bihis’ Na Divisoria Mula Sa Mga YouScooper!

2878

Nagsumite ng mga litrato ng Divisoria area ang isang GMA YouScooper na si Jeremiah Inocencio na kung saan ay makikita ang bagong bihis nito. Sa post ni Inocencio,

“Divisoria Area (July 5, 2019, 2:54 PM)

Dati’y pahirapan pa ang maglakad dahil delikadong masagi ng sasakyan o makasagi ng mga paninda. Ngayon, maluwag, malinis, at maaliwalas na–at tuloy-tuloy na sana ito. Pero saan na kaya inilipat/napunta/napadpad ang kdating mga street vendors?”

Payapa, Maluwag, at Malinis

Ang Eastern part ng Recto Avenue ay ni hindi inaakalang may kalsada pala na sa matagal na panahon ay halos pamahayan na ng mga vendor. Ngayon, malinis na ang lugar at malayang nakakadaan ang mga sasakyan.

Ang Soler Street naman ay mukhang kalmadong lugar na syang noon ay puno din ng mga sasakyan at vendor. Maluwag na din ang Juan Luna Street na syang papuntang Recto. Kung noon umano ay kahit ang maliit na kariton ay hindi agarang nakakadaan, ngayon ay maluwag na ito at malinis pa.

Nakasanayang Pagtitinda Sa Kalsada

Komento ng mga netizen, pinapayagang magtinda ang mga sidewalk vendor sa mga pili at limitadong oras lamang. Bilib na bilib ang mga netizen sa agarang aksyon ng bago at bagitong alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.

 

Anila, masyado umano sinanay ng mga nagdaang mayor ang mga illegal vendor sa lugar kaya naman ay nakasanayan na ng mga ito ang magtinda kahit sa kalsada. Kapalit nito ay ang pagbibigay ng mga ito ng suhol sa mayor upang malayang magtinda sa kalsada.

 

Ayon naman sa ibang netizens, nakikiramdam lamang ang ibang vendor na syang nag-aabang ng pagkakataon na makabalik muli sa mga kalsada ng Divisoria.

Good Job, Mayor!

Ilang araw pa lamang na nakaupo si Mayor Isko ay napakarami na nitong nagawa para sa Maynila. Inuna nito ang paglilinis at pag-aalis ng illegal vendors sa paligid ng Divisoria na syang nagpapasikip ng kalsada. Sumunod rito ang pagdalaw nito sa Manila Zoo upang masolusyunan ang malaking problema nito.

Patuloy sa pagkakayod at pagta-trabaho si Moreno na syang kinatuwaan hindi lamang ng lahat ng Manilenyo bagkus pati na rin ng mga netizen na mula sa ibang syudad.

Source: Facebook

Facebook Comments