Mga PCSO Lotto Outlet, Inumpisahan Ng Ipasara Ng PNP Sa Utos Ni Pangulong Duterte

1498

Matapos tawaging “iligal” ni President Rodrigo Duterte ang mga gaming schemes kabilang na ang Lotto at ang small toen lottery na hawak ng PCSO kahapon, agaran aksyon naman ang ginawa ng PNP para isakatuparan ang utos na ipasara ang mga ito.

24 oras

Binigyan ng presidente ng benta kwatro oras ang mga law enforcers simula July 27 upang ipatigil ang mga gaming outlets at activities na lisensyado ng PCSO, na ayon sa kanya ay may nagaganap na “massive corruption” sa loob.

“Wala ako magawa. I have to do it. I will not honor transactions that are clearly on the side of, you know, scheming people, Republic of the Philippines, of the money due it,” 

“Puro dayaan lahat. At ‘yung mga kontrata ay parang crafted in favor of corruption and to favor other corporations and people. I will not allow it,”

Nitong araw, nagsimula ang mga pulis na ipasara ang mga outlets. Si PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde ay personal na sumama at tumulong sa paglibot sa Baguio upang isa-isahin ang mga outlet ng lotto.

Magbabago pa ba ang isip?

May ibang mga outlets ayon sa PNP na kusang nagsara ng kanilang operasyon, pero meron naman iba na hindi alam ang bagong direktibo at kinailangan pag ipakita ang video ng presidente nang iutos niya iyon.

Ayon naman sa PCSO susunod sila sa utos ng presidente pero hihingin parin nila ang reconsiderasyon mula dito.

Sinabi rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagulat siya sa order ng pangulo at maaari daw na temporary lamang ito o hindi magtatagal. Sinabihan din niya ang mga reporters na maghintay ng further instructions.

“I myself was surprised but it could be a temporary suspension only,”

Hulihan

Sinabi din ni NCR Police Office Chief Police Maj. Gen. GUillermo Eleazar sa panayam niya sa DZMM na dahil sa presidente nanggaling ang utos, kailangan na walang magsasagawa ng operasyon ngayong araw.

“Dahil ang instruction po ng ating Pangulo ay 24 hours, bukas po ng umaga dapat wala na pong bobola na STL, Lotto or peryahan ng bayan sa buong Pilipinas,”

“Kung sila ay mag-ooperate pa, magsasagawa po kami ng operation para hulihin sila,”

Hindi malinaw kung temporary lamang ito. Basta sabi niya, ang malinaw ay dapat wala nang operasyon mula ngayon.

PNP chief Albayalde, nanguna sa pagpapasara ng lotto outlet

TINGNAN: PNP Chief Gen. Albayalde, nanguna ng pagpapasara ng lotto outlet sa Baguio City alinsunod sa direktiba ng Pangulong Duterte (Video courtesy: Office of the CPNP) | via Radyo Patrol 44 Henry Atuelan

Geplaatst door DZMM TeleRadyo op Vrijdag 26 juli 2019

Facebook Comments