Mag-iina, Dumulog Kay Raffy Tulfo Upang Mapakulong Ang Kanilang Salb4heng Ama

1475

Dumulog sa tanggapan ng programang Raffy Tulfo In Action ang inang si Hilda Antiado kasama ang kanyang tatlong anak upang ireklamo ang kanyang asawang si Lyndon Antiado dahil hindi na ito nagbibigay ng sustento para sa kanyang pamilya. Bukod rito, sinabi rin ng mag-iina na mahilig manakit si Lyndon at pati ang kanyang mga anak ay sinasakt4n nito.

Iresponsable Na, Nananak1t Pa

Sa programang Raffy Tulfo In Action ay sinabi ng misis na si Hilda Antiado na mula ng maghiwalay sila ng kanyang asawa, hindi na ito nagbigay ng sustento sa kanila. Dahil dito, pinaaalis na sila sa bahay na kanilang inuupahan, at nanghihingi na lamang sila ng pagkain sa kanilang mababait na kapitbahay.

Nang kausapin ni idol Raffy ang mister na si Lyndon, sinabi nitong ang dahilan kung bakit hindi siya nakakapagpadala ng sustento ay bago lamang siya nakahanap ng trabaho bilang construction worker. Nangako naman ito kay idol Raffy na magbibigay ng halagang 3,500 para pambayad sa upa ng bahay.

Gintong Puso Ni Raffy

Dahil malambot ang puso ni idol Raffy sa mga naaapi lalo na sa mga kabataan, sinabi niya kay nanay Hilda na bibigyan niya sila ng pangkabuhayan upang makapagsimula silang mag-iina.

Binigyan ni Raffy Tulfo ng puhunan si nanay Hilda upang makapagtinda ng meryenda sa kanilang lugar. Sinamahang bumili ng staff ni idol Raffy ang lahat ng kakailanganin upang makapagtinda si nanay Hilda upang hindi na sila muling umasa sa iresponsable niyang asawa.

Nagkaayos Sa Barangay

Samantala, nagkita ang mag-iina at si Lyndon sa barangay upang makapag-usap tungkol sa sustento at para tanungin kung itutuloy ba ng mag-iina ang reklamong pananak1t, kung saan pwedeng makulong si Lyndon.

Matapos magpakumbaba at humingi ng tawad, napagpasyahan ng mag-iina na huwag ng ituloy ang demanda kay Lyndon, basta’t ituloy nito ang pagsustento sa mga anak. Sa kabila ng pananak1t na ginawa niya sa asawa’t mga anak, nagawa nilang patawarin ang kanilang padre de pamilya na lubos ding pinagpasalamat ni Lyndon.

Magkakapatid, nais ipakulong ang kanilang salbaheng Ama! Anong diskarte ang ginawa ni Idol Raffy?

Magkakapatid, nais ipakulong ang kanilang salbaheng Ama! Anong diskarte ang ginawa ni Idol Raffy?#raffytulfoinactionYoutube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutubeFacebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebookInstagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagramWebsite: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Geplaatst door Raffy Tulfo in Action op Dinsdag 16 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments