Mayor Isko, Ipinag-utos Na Tanggalin Ang Kanyang Pangalan At Ng Mga Pulitiko Sa Mga Paaralan

6738

Ngayong araw ay nagkaroon ng press conference si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ukol sa mga programa at balakin nito para sa Maynila.

Bawal Na Ang “Epal” 

Isa sa mga proyektong ibinahagi ni Isko ay ang mithiin nito para sa mga kabataan ng Maynila. Aniya ay kinausap nito ang board council na kung saan ay tututukan ng mga ito ang education at health institutions. Isa sa mga balakin ng alkalde ay ang pagpapatanggal ng mga pangalan ng mga pulitiko, pati na rin ng sa kanya sa mga gymnasium, basketball courts, pader, at iba pang paligid ng eskwelahan. Banat nito, 

Photo courtesy/GMA News

“Walang epal sa pader ng eskwelahan. Walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga pulitiko sa loob ng eskwelahan. Bawal ang epal. Tigilan na natin ‘yan. Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga pulitiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan.”

Dagdag pa ni Moreno, hindi pera ng pulitiko ang ginamit para sa mga proyekto sa institusyon bagkus ay pera ito ng taumbayan. Kaya naman ay hindi nararapat na ilagay ang mga pangalan ng pulitiko na nagpatupad ng proyekto. 

“Lahat ng mga naglalagay na pulitiko ng kanilang mga pangalan as if you are immortalizing yourself or as if it is your money, that is not your money. Pera yan ng taumbayan.”

Proyekto Para Sa Kabataan

Nagbigay na din ang Manila mayor ng order na gumawa ng polisiya at pamamaraan ang board council upang mapanatili ang kalinisan sa mga paaralan bunsod ng pagkakaroon ng water shortage sa Maynila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na nananatiling nasa critical level ang tubig sa Angat Dam na isa sa mga primary source ng tubig sa buobg Kamaynilaan.

Photo courtesy/GMA News

Ibalik Ang Nutri Bun 

Ipinababalik din nito ang nutri bun upang labanan ang malnutrisyon para sa mga kabataang nasa Kinder at grade 1. Matagal nang ibinabahagi ni Isko ang proyektong ito na syang naging tampok noong panahon ng rehimeng Marcos. 

Photo courtesy/GMA News

Leave Politics To Politicians 

Hirit ni Mayor Isko, 

“Leave politics to politicians. Leave education to academians.” 

Sa layunin nitong “anti-epal,” ay mas kinabiliban ito ng mga netizen. Anila ay inaacknowledge nito ang hirap ng mga tax payers at tuluyang alisin ang mentalidad na bawat proyekto ng lokal na gobyerno ay dapat na nilalagyan ng pangalan ng pulitiko.

LIVE: Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso Presscon

Geplaatst door INQUIRER.net op Maandag 8 juli 2019

Source: Inquirer.net

Facebook Comments