Mayor Isko Moreno, May Hamon Sa Nambugb0g Na Chairman Mula Sa 5th District

3283

Viral ngayon ang isang video na kung saan ay hinihimok ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na lumitaw ang isang barangay chairman mula sa 5th district. Ayon sa istoryang inilahad ni Mayor Isko, bumunot diumano ng baril ang chairman at nambugb0g ng isang ordinaryong residente. 

Sigang Chairman 

Nagsimula umano ang away sa parking. Ang maliit na alitan ay lumaki at nauwi sa eskandalo na kung saan ay bumunot ng baril ang chairman at binugbog ng mga kamag-anakan nito ang biktima. Aniya ay ayaw nyang pangunahan ang chairman at nauna na nitong nabalitaan at nakita ang mga litrato ukol sa isyu. 

“E komo chairman sya, siguro nagtatapang-tapangan, siguro may away sila, may alitan sila,” 

Huwag Ilagay Sa Kamay Ang Batas 

Bagaman hindi pa lubos na naiintindihan ang puno’t dulo ng away, at hindi pa naririnig ni mayor Isko ang dalawang panig, nagbigay ito ng sariling analisasyon sa isyu. Aniya, kung mali man ang kapitbahay na nabugb0g ng chairman, dapat ay idaan sa tamang proseso at hindi pinairal ang init ng ulo. Litanya nito,

“E hindi ba ikaw ang halal ng bayan? Ilagay natin sa tamang katwiran ha, e mali yung nasasakupan mo, ika’y halal ng bayan bilang chairman. Ang dapat mong ginawa ay tumawag ng pulis,” 

Hirit pa nito, 

“Huwag mong nilalagay sa kamay mo ang batas, na para bang ikaw ang siga at walang gobyerno..” 

Hamon Sa Nagtatagong Brgy. Chairman 

Sa ngayon, nagtatago diumano ang nasabing chairman bunsod ng nangyaring kaguluhan. Hinamon ito ni Mayor Isko na magpakita at harapin ang dinulot na problema kung tunay na matapang ito. 

“O ngayon, akala ko ba matapang ka, chairman? E ba’t nagtatago ka ngayon? O, harapin mo ito! 

Palugit Ni Mayor 

Nagbigay ng palugit ang alkalde para sa chairman,

“Ipaliwanag mo ang iyong sarili. Ngayon, bibigyan kita hanggang lunes. Kapag hindi ka lumabas, personal na kaming bibisita sayo!” 

Aniya ay hindi nito [chairman] matatakasan at matataguan ang batas kailanman. Dagdag pa nito, walang mangyayari kung init ng ulo ang paiiralin. Iginiit nito na may tamang proseso ang batas na dapat sundin. Ika nga ni Mayor, 

“We must be guided by law and order”

Lagot ka ngayon Chairman. Proud ba kayo kay Yorme Isko..Credit: Isko Moreno Domagoso

Geplaatst door Raffy Tulfo Supporters op Zaterdag 27 juli 2019

Source: Facebook/Isko Moreno

Facebook Comments