Mayor Isko Moreno Nag-ikot Sa Maynila At Sinabing “Marami Tayong Ma-Almusal Na Department Heads Bukas!”

5978

Bagamat araw ng Linggo ay hindi nagpahinga ang bagong alkalde ng Maynila na si Isko Moreno. Naisipan niyang ikutin ang kanyang nasasakupan at sikretong magmatyag upag tingnan kung umiiral pa rin ba ang kaayusan sa Maynila maski sa araw ng Linggo.

Naka FB Live Si Mayor!

Sa isang Facebook Live na kanyang ginawa sa kanyang official Facebook page na Isko Moreno Domagoso, inikot ni Mayor Isko ang Maynila upang tingnan at ipakita na rin sa mga netizens ang kasalukuyang estado ng lungsod.

Gusto niya ring makita kung ang gobyerno ba ay natutulog sa araw ng linggo, at kung mayroong nagpapatupad ng batas maski sa ganitong araw. Layon din niyang malaman ang iba pang problemang pwede niyang bigyan kasagutan bilang alkalde ng lungsod.

Maraming Paglabag

Sa kanyang pag-iikot ay maraming nakitang paglabag ang bagong mayor. Isa na rito ang bawal na paghihintay ng mga pampublikong sasakyan sa mga pasahero sa ipinagbabawal na hintuan. Marahil ay iniisip nito na wala naman manghuhuli dahil araw ng Linggo ngunit nagkamali ang mga PUVs’ na ito.

Bukod dito, mayroon ding mga sasakyan partikular na ang mga trak, na nakaparada sa no-park zones. Marami din siyang nakitang mga basurang nakakalat sa daan sa ilang parte ng Maynila. Pati ang mga batang hamog, o solvent boys ay hindi rin nakatakas sa mga mata ng mayor.

Marami Pang Magbabago

Sinabi ni Moreno na bahagya siyang nalungkot sa kanyang nakita sa kanyang pag-iikot sa Maynila. Sinabi rin nito na malamang ay “marami tayong ma-almusal na department heads bukas”, na ang ibig sabihin ay marami siyang mapagsasabihang local heads na hindi ginagawa ang kanilang trabaho.

Sa kabila nito, masaya rin si Isko Moreno sa mga nakitang malilinis na kalye ng Maynila, at muli niyang ipinaalala sa mga vendors na pwede silang magtinda sa bangketa basta’t hindi sila magiging sagabal sa kalsada at mga taong dumadaan rito.

Sunday surprise roving in Manila!

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Zondag 7 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments