Mayor Isko Sa Nangyaring Nakawan Sa Binondo Metrobank: “You cannot escape the long arm of the law”

2364

Nitong umaga lang ay ibinalita na nagkaroon ng robbery sa isang Metrobank branch sa Binondo. Sa isang press conference, inihayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang limitadong detalye ukol sa naganap na nakawan.

Metrobank Robbery 

Ayon kay Manila mayor Isko, naganap ang pagpasok ng mga suspek bandang 8:43 ng umaga. Pitong lalaki ang tinatayang suspek sa nangyaring nakawan. Ayon sa imbestigasyon ay may kumatok sa banko bandang 8:43 ng umaga, habang hindi pa naguumpisa ang banking hours.

Nakapagtataka umano kung bakit binuksan ang pintuan ng banko kung hindi pa naman nagsisimula ang banking hours nito na alas-9. Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan sa nangyaring robbery.

Alok Na Pabuya 

At dahil malinis na ang mga kalye ng Divisoria at Binondo, mabilis na nakaresponde ang mga pulis. Sa loob ng dalawang minuto matapos maireport ang pangyayari ay mabilis silang nakarating sa pinangyarihan. Ganunpaman, nakatakas pa din ang mga suspek kaya naman nag-alok ng 1 milyong piso na pabuya para sa mga makapagtuturo ng mga suspek.

“I am now offering P1 million for the arrest of these at least 7 suspects na kinuha ‘yung CCTV ng bangko but as per information, the Manila Police District already have a copy of the CCTV from the barangay,” pahayag ni Mayor Isko.

Personal Na Pinuntahan 

Nagpunta si mayor Isko sa mismong Metrobank branch sa Binondo dahil nakarating ang impormasyon rito na ayaw magpaunlak ng imbestigasyon ang mga nasabing branch employees.

photo courtesy/ABS-CBN News

Si Isko mismo ang kumausap sa isang empleyado na nagpupumilit na ayaw ilabas ang branch manager upang agad na maimbestigahan ang nangyaring nakawan.

Here at Sto. Cristo, Binondo regarding robbery case

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Woensdag 10 juli 2019

Here at Sto. Cristo, Binondo regarding robbery case (2)

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Woensdag 10 juli 2019

Protocol and Procedures

Ayon kay Isko, nakakalungkot lamang na kailangan pa nitong magalit at personal na magpunta para lamang maimbestigahan ng mga pulis ang krimen. Banat naman ng bank employee, may sinusunod silang procedure at protocol. Dagdag pa nito ay sinusunod nila ang protocol ng BSP kaya naman hindi ito nagco-cooperate sa police operation.

photo courtesy/News5Aksyon

Patuloy Ang Imbestigasyon 

Sa ngayon ay patuloy ang pag-iimbestiga ng Manila Police District sa naganap na krimen. Nagbabala naman si Mayor Isko sa mga suspek na huwag na ang mga ito maghasik ng kasamaan sa Maynila dahil aniya bumabangon pa lamang ito. Hamon nito, hindi nito bibigyan ng katahimikan at kapayapaan ang mga suspek na nagnakaw sa banko. Hindi pa naglalabas ng opisyal na statement ang MPD ukol sa pagkakakilanlan ng mga suspek at kung magkano ang nanakaw na pera mula sa banko. 

“Hahanapin po namin kayo. Hindi namin kayo bibigyan ng kapanatagan. Hindi namin kayo papayagan na guluhin, perwisyohin ang mamamayan ng lungsod ng Maynila,” pahayag nito.

LIVE: Reaction on Binondo MetroBank robbery

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Woensdag 10 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments