Mayor Isko Moreno, Pinagkaguluhan Ng Dumalaw Sa Ramon Magsaysay High School

2316

Tila isang “rockstar” na pinagkaguluhan si Mayor Isko Moreno kanina ng kanyang bisitahin ang Ramon Magsaysay High School sa lungsod ng Maynila. Napuno ng hiyawan at mga sigaw ang buong eskwelahan ng pumasok ang butihing alkalde.

Rockstar Mayor

Pinasinayahan ni mayor Isko Moreno ang imbitasyon ng Ramon Magsaysay High School sa kanilang pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo kaninang umaga, kung saan pinagkaguluhan ang alkalde na tila isang “rockstar”.

LIVE: Mayor Isko Moreno visits Ramon Magsaysay High School

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Maandag 15 juli 2019

Sa isang video na ibinahagi ng official Facebook page ni mayor Isko Moreno Damogoso, hiyawan at sigawan ang sumalubong kay mayor pagpasok pa lamang niya ng gate ng eskwelahan.

Photo Op

Ginawa na rin itong tsansa ng mga titser at empleyado ng eskwelahan upang makapagpa picture kasama ang mayor, na magiliw namang ginawa ni mayor. Tila isang sikat na artistang nakikisalamuha sa kanyang mga die-hard fans ang eksena sa eskwelahan.

Makikita sa mukha ng mga tao ng Maynila ang kanilang lubos na paghanga sa kanilang alkalde. Marami ang nagsasabing ganito rin ang kasikatang tinamo ni mayor Duterte nuong siya ay mayor pa sa Davao. Marami rin ang nakakapansin na tila isa ang landas na tinatahak ng dalawang politiko, bagamat sinabi ni Moreno na marami pa siyang bigas na kakainin bago maging katulad ni pangulong Duterte.

Kasama Ang DOH

Dumalaw si mayor Isko sa RMHS kasama ang secretary ng DOH na si Francisco Duque. Matapos ikutin ang eskwelahan, nagbigay naman ng talumpati ang mayor sa kahalagahan ng kalusugan at kung papaano niya pananatiliin ang kalusugan sa lungsod ng Maynila.

Isa sa mga proyekto ng Manila government at DOH ay ang Back to BakUNA program. Ito ay isang mahalagang proyekto kung saan binibigyan ang mamamayan ng oportunidad na mapabakunahan ang kanilang pamilya.

Bagama’t marami ang nawalan ng tiwala sa libreng bakuna ng gobyerno dahil sa nangyaring Dengvaxia scandal, ito pa rin ang pinakamabisang solusyon lalo na’t may mga kumakalat na epidemya ng Measles at iba pang sakit.

LIVE: Press conference with DOH

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Maandag 15 juli 2019

Source: Facebook/Isko Moreno

Facebook Comments