Mayor Isko, Pinagkaguluhan Sa MMDA Headquarters Kaninang Umaga

1514

Ngayong umaga ay nagkaroon ng meeting ang lahat ng Metro Manila mayors sa opisina ng Metropolitan Manila Development Authority Headquarters hinggil sa direktiba ng pangulong Duterte na linisin ang mga kalsada o pampublikong daan at bawiin ang mga ito mula sa mga illegal vendors at sa mga ginagawa itong parking space. 

Rockstar Mayor

Kaugnay rito ay isa sa mga dumalong alkalde ay si Manila Mayor Isko Moreno na kung saan ay nakatanggap ng mainit na pagtanggap mula sa mga taga-MMDA. Sa Facebook live nito ay kitang-kita kung paano pinagkaguluhan ang tinaguriang “rockstar” na mayor ng Maynila. Habang palabas ng establisyemento ay kumpol kumpol ng mga tao ang nagpakuha ng litrato sa sikat na mayor.

Buong pagpapaunlak naman ang ibinalik ni Mayor Isko sa mga ito at walang pagtumangging nakipag-selfie. Ito pa mismo ang kumukuha ng telepono ng mga nais makipag-kodakan sakanya. 

Mainit Na Pagtanggap

Kita ang saya sa mukha ng mga humahanga kay Mayor Isko, puno ang mga ito ng pagbati at kasiyahan hanggang sa makabalik ang alkalde sa kanyang sasakyan paalis sa lugar. Bakas din naman sa mukha ni mayor ang kasiyahan at mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao at pagpapahatid ng mga ito ng suporta sa kanya.

Pati ang mga watchers sa Facebook live ay tuwang tuwa kay mayor Isko at mas nagpabatid ng kanilang suporta sa mayor kahit hindi ito lokal na residente ng Maynila. 

MMDA Meeting

Hangad ng mga netizens ay ang maayos na pangangatawan at maraming biyaya pa ang dumating sa alkalde dahil sa pagiging busilak ng puso nito at pagiging tunay na Manilenyo. 

Liban pa kay Mayor Isko ay nakita din na umattend sa meeting ang isa ding hinahangaan ng mga netizen na si Pasig mayor Vico Sotto. Sa kabilang banda, nagbigay naman ng palugit si Department of Interior and Local Government Secretary Año hanggang Setyembre para maisaayos at masunod ang direktiba ng pangulo. 

At MMDA Headquarters. Maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap sa amin 🙂

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Woensdag 24 juli 2019

Facebook Comments