Mayor Isko Sa Pagkukumpara Kay Duterte: “I’m Honored, Pero Trak Trak Pa Na Bigas Ang Kakainin Ko”

9315

Ang total rock star Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ngayon ay naikukumpara sa pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ipinapakitang kasipagan nito sa trabaho. 

Rockstar Mayor 

Sa isang panayam kay Mayor Isko ay nagagalak umano ito na maikumpara sa pangulo ngunit aniya ay marami pa itong kakainin na bigas upang maabot ang natamo na ni Duterte. Ang Pangulong Duterte ay naging mayor ng Davao sa loob ng higit dalawang dekada. Nakilala ito sa pagiging mahigp1t at masipag bilang alkalde ng Davao. Naging maayos at progresibo ang lungsod dahil sa pamumuno ni Duterte. 

Karangalan 

Sa isang press conference na isinagawa sa Manila City Hall ay nahingan ng opinyon ang magaling na alkalde kung ano ang masasabi nito sa pagkukumpara sa kanya sa pangulo. Aniya ay isang malaking karangalan ang maikumpara sa pangulo. Saad nito, 

“Well, I’m honored, with all humility.” 

Marami Pang Kakaining Bigas 

Ganunpaman, giit nito na hindi siya dapat na maikumpara sa pangulo dahil marami pa siyang kailangan gawin upang mapantayan ang mga nagawa ng pangulong Duterte. Hirit nito, 

“Kung ikukumpara ako, hindi ako sang-ayon sapagkat trak trak pa na bigas ang kakainin ko bago ko matularan. Una yung naabot ni Pangulo bilang Mayor ng Davao, especially during the troubled times, especially during the uncertainty of Davao in the late ’80s and early ’90s. We know that. All you have to do is Google mo.” 

Hindi Maikukumpara 

Aniya ay nakakalabinlimang araw pa lamang siya at ang pangulo ay higit dalawang dekada na ang naitakbo ng karera nito. 

“So whatever he did in Davao and geographically speaking, it is the largest city in the country. So whatever he did there ay wala pa sa ginagawa ko, ako nakakalabinlimang araw pa lang, ‘yon inugat na yun sa lokal na pamahalaan.” 

Trak Ng Bigas 

Masaya umano si Mayor Isko na napapansin ang kanyang mga magagandang nagagawa para sa Maynila ngunit banat nito ay trak trak pa ng bigas ang kakainin nito para mapantayan at maikumpara sa pangulong Duterte. 

“Then now naging President, I’m just happy kung napapansin niyo. Pero hindi po, malayong malayo pa po ako, trak trak pa na bigas ang kakainin ko,” dagdag pa ni Mayor.

Live: Mayor Isko Moreno and NCRPO chief P/MGen Guillermo Eleazar

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Maandag 15 juli 2019

Source: Facebook/Isko Moreno

Facebook Comments