Mayor Isko Sa Vitas Clearing Operation: “Masyadong g!nahasa ang Maynila”

6438

Ngayong umaga ay nagbalik sa Vitas, Tondo si Manila Mayor Isko Moreno upang ipagpatuloy ang nasimulang pagiinspeksyon sa lugar. Kung noong nakaraang araw ay sa Vitas Slaughterhouse ito nagpunta at nagsagawa ng operasyon ay ngayon naman ay sa Vitas Dumpsite ito bumisita. 

Vitas Dumpsite 

Tumambad ang mabahong amoy ng lugar na animo ay gumuguhit sa lalamunan. Isang nakakalungkot na senaryo ang naabutan ng Mayor Isko na syang nagpasambot na lamang ng mga salitang, 

“Kawawa naman ang Maynila, ginahasa ang Maynila” 

Clearing Operations 

Kasama ang mga staff nito at ang operations team ay sinimulan ng masipag na Manila mayor ang pagaayos sa mga basurang tambak pati na din ang mga nakakadismayang dumi na naglipana at nagkalat sa lugar. Gamit ang mga makinarya ay walang pag-atubili na nagsimula sa pagtatrabaho ang grupo para maisakatuparan ang mga balakin para sa agresibong paglilinis ng Maynila. 

Man of Action 

Ayon sa ilang netizen na nagkomento sa live video ni Mayor Isko, kahapon lamang umano ay nagpunta doon ang alkalde at nagulat ang mga residente dito na sa sumunod na araw ay nakapagbigay ito ng aksyon. Tunay umano na “man of action” ang bagong mayor ng Maynila. 

Serbisyo Publiko 

Isang malaking concern ni Mayor Isko ay ang kalusugan at katayuan ng mga mahihirap na residente sa lugar. Aniya ay mahirap na nga umano ang katayuan nito sa buhay ay tila ‘baboy’ pa ang lugar na tinitirhan nila. Dagdag pa nito ay ang maruming paligid sa lugar na nabanggit ang pinagmumulan ng dengue.

Hindi naman lingid sa kaalaman sa marami sa atin na may dengue outbreak ngayon sa pagpasok ng tag-ulan. 

Pagbangon Ng Maynila 

Maraming netizen ang nagpasalamat dahil sa tuloy tuloy na serbisyo publiko na isinasagawa ni mayor Isko sa Maynila. At ang pagkakaroon nito ng puso para linisin at ibalik ang kaayusan at ganda ng Maynila na matagal nang nawala sa lungsod.

LIVE: At Vitas for clearing operations and installation of new VIB outpost

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Donderdag 18 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments