Mayor Vico Sotto, Tinanggal Ang Quota Sa Traffic Violations, Odd-Even Scheme Sa Pasig

9969

Para sa tuluyang pagunlad ng kanyang lungsod, isa na namang pagbabago ang isinagawa ng bagong mayor ng Pasig na si mayor Vico Sotto. Tuluyan niya nang tinanggal ang Odd- Even scheme na dating ipinapatupad sa Pasig, at pati na rin ang quota sa mga traffic enforcers na manghuli ng traffic violators.

Quota System

Noong mga nakaraang administrasyon, talamak ang pangongotong ng mga traffic enforcers sa mga motorista. Imbes na tikitan ang isang traffic violator, humihingi na lamang ng lagay ang mga enforcer kapalit ng hindi pagbibigay ng tiket.

photo courtesy of ABS-CBN News/Kristine Sabillo

Dahil dito, naisipan ng gobyerno na ipatupad ang Quota System kung saan ang isang enforcer ay may bilang ng violation tiket na dapat na isyuhan kada buwan. Kung sila ay makaabot sa quota ay may dagdag silang matatanggap mula sa opisina.

Pagbabago Sa Pasig

Ayon sa bagong halal na alkalde ng Pasig, bagamat nabawasan ang pangongotong ng mga traffic enforcer, ang madalas nangyayari ay masyado nang nakatuon sa panghuhuli ang mga traffic enforcers at hindi na nagagampanan ang iba nitong tungkulin, tulad ng pagmanman sa mga interseksyon at pag-aayos ng trapiko sa lugar.

photo courtesy of ABS-CBN News/Kristine Sabillo

“Magiging malaking tulong po ito dahil hindi na sila magfofocus sa huli, kundi magfofocus sila sa pagma-man doon sa mga interseksyon at sa daloy nung trapiko in general,” ang paliwanag ng alkalde.

Unang Executive Order

Para sa kanyang pinakaunang Executive Order and Memorandum circular, ipinag-utos din ni Sotto na suspendihin ang odd-even traffic scheme sa buong Pasig. Bukod dito, siya ay gumawa ng isang traffic management task force na pag-aaralan ang problema ng trapiko sa lugar at magbibigay ng makabagong solusyon ukol dito.

Nagpaalala rin si mayor Sotto na maaaring lumikha ng trapik ang ginawa niyang pagsuspindi ng odd-even scheme, ngunit sinabi niyang gagawa sila ng mas makabuluhang paraan para tuluyan ng maibsan ang trapik sa buong Pasig.

Source: Kami.com ABS_CBN News

Facebook Comments