LOOK: Viral Photos Ng Liwasang Bonifacio Na Mala-Disney Ang Ganda

6311

Isang napakagandang parke ang bumungad sa maraming Manilenyo kamakailan matapos linisin ang Bonifacio monument. Nakatayo malapit sa Manila City Hall sa Lawton, isa sa mga naging proyekto ni Manila mayor Isko Moreno ang paglilinis ng Liwasang Bonifacio. 

Maganda at Makulay Na Parke 

Isa sa mga nakapansin ng ganda ng lugar ay ang Facebook netizen na si Jan Sy na syang nagdokumento ng mga larawan ng lugar. Saad nito sa kanyang caption, 

“Manila 2019: Yung parang sa Disney movie na natalo yung kontra bida, biglang umaliwalas yung castle.” 

Kasunod na mensahe ay pasasalamat kay Mayor Isko dahil sa pagiging masigasig nito na isaayos ang Kamaynilaan at tuparin ang pangako na ibalik ito sa taumbayan. 

Viral Photos 

Gabi nang kinuhanan ang mga larawan kaya naman litaw na litaw ang ganda ng parke dahil sa mga naggagandahang ilaw na nakasabit sa mga puno. Kasama sa litrato ang ganda ng arkitektura ng Manila City Hall at ang malinis na paligid. 

Salamat, Mayor! 

Maraming netizen ang natuwa sa litrato na animo ay nagdala ng bagong pag-asa sa maraming tao na mas mapapabuti pa ang lungsod sa mga susunod na araw.

Laki ang pasasalamat ng mga netizen kay Mayor Isko dahil sa pagkakaroon nito ng busilak na puso at pagmamahal na nakalaan para sa Maynila. 

Dating Kundisyon Ng Lugar 

Matatandaang noong mga unang araw ng pag-upo ni Mayor Isko bilang alkalde ng Maynila ay dinalaw nito ang Bonifacio monument na nasa kabilang banda lamang ng opisina nito. Doon ay nadismaya ang alkalde nang makatapak ito ng dumi ng tao at maamoy na mapanghi ang lugar. Binansagan pa ito na “biggest toilet.”

Dagdag pa riyan ay ginawang tirahan ng informal settlers ang lugar  na syang nagdulot ng malaking pinsala sa parke. 

Clearing Operations 

Upang maibalik ang ganda at turismo sa lugar at nagkaroon ng series ng clearing operations rito na kung saan ay personal din na tumulong sa paglinis si Mayor Isko. 

Geplaatst door Jan Sy op Zondag 21 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments