Mister, Ipinagpalit Sa Hapon Ng Kanyang Misis Na Entertainer Sa Japan!

4827

Dumulog ang isang lalaki kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang asawa na nasa Japan na ipinagpalit umano sya sa isang Hapon.

Pinagpalit Sa Isang Japanese

Mangiyak-ngiyak si Daniel Cortez nang ireklamo ang asawang si Zyra Siama Cortez nang mapag-alaman nito na ipinagpalit sya nito sa isang Hapon. Si Zyra ay nagtatrabaho bilang isang entertainer sa Japan. Ipinakita ni Daniel ang mga larawan na ebidensya nito laban sa asawa. Ang mga larawan ay nagpapakita na may kahalikan si Zyra na isang Hapon at isa pang larawan na may kasama ito sa kama.

Ebidensya Ng Pangangalunya

Ipinagkaila naman ni Zyra ang mga bintang ng asawa nito at sinabing kasama ito sa trabaho. Aniya ay “smack” na halik lamang ang mga ito at ito rin ay parte ng kanyang trabaho. Pagbabahagi ni Daniel, panay ang pagsasabi nito sa kanya ng mga masasamang salita. Aniya ay hindi nito matanggap ang mga pinopost ni Zyra sa Facebook ukol sa kanya na hindi katanggal tanggap. Marami din umano nadamay na ibang tao at mga kaibigan ni Daniel dahil sa mga post nito na syang umabot pa sa pagpapa-barangay laban rito.

Pagsisinungaling Ni Misis

Tila hindi naman pinaniwalaan ni Raffy ang pahayag ni Zyra na parte ng trabaho nito ang sumama sa Hapon sa labas ng trabaho. Aniya ay may batas umano na tinatawag na “bar fine” kapag dinala ng mga Hapon sa labas ang mga entertainer nito.

Kasuhan At Ipa-Deport

Nang tanungin kung ano ang nais na aksyon ni Daniel ukol sa kanilang problema ay matatag nitong sinabi na nais nito maipadeport ang asawa. Aniya ay kakasuhan nito ang ginang. Nagmamakaawa naman si Zyra na huwag siya ipadeport dahil kailangan pa umano sya ng kanyang pamilya na syang binubuhay nito dito sa Pilipinas.

Kinainisan Ng Netizens

Galit ang naging komento ng mga netizens laban kay Zyra. Aniya ay halata ang pagsisinungaling nito sa kanyang asawa at sa relasyon nila ng Japanese na diumano ay boyfriend nito.

Source: Youtube

Facebook Comments