Mga Anak, Nais Makita At Mayakap Ang Nanay Na Sumama Sa Ibang Lalaki

3554

Dumulog sa opisina ni Raffy Tulfo ang isang ama na si Rollito Deondo kasama ang kanyang dalawang anak upang ireklam0 ang asawa na si Jocelinda Deondo na diumano ay may kinakasama na. 

Sumama Sa Iba Si Nanay

Isang OFW si Jocelinda sa Riyadh at nagtatrabaho bilang housekeeper. Anila ay ilang buwan pa lamang sa ibang bansa ito nang magsimulang mamroblema sina Rollito rito. Ayon sa mga anak ay matagal nang hindi nila nakakausap ang kanilang ina at madalang na din magpadala sa kanila. Hinala ng mga ito ay may kinakasama na itong ibang lalaki.

Sa ngayon ay maagang napauwi si Jocelinda sa Pilipinas bunsod ng pagkakaroon ng medikal na problema. Diumano ay naninirahan ito sa kapatid nito sa Tacloban.

Pin4ratangang N4mbubugb0g 

Nang kausapin ng mga anak si Jocelinda ay naging agresibo ito at nagsimulang ireklamo ang p4mbubugb0g diumano ng kanyang asawa. Aniya ay maaga itong mam4mayapa sa piling ng asawa. Pinabulaanan naman ng mga bata ang paratang ng kanilang ina at hinayag na ito pa mismo ang nananakit sa kanilang tatay. Hiling ng mga bata ay makita ang kanilang nanay at mayakap ang ito. Nais rin umano nila isalba sa kasalanan ang kanilang nanay at makapagbago ito. 

Si Nanay O Si Tatay? 

Naging hindi maganda ang pag-uusap nina Jocelinda at Rollito dahil nagbitiw ng pagmumur4 ang misis. Pangako naman ni Jocelinda sa kanyang mga anak ay kukunin nya ang mga ito na kung saan ay tinanggihan ng mga bata. Nais ng dalawa na mas sumama sa kanilang ama kaysa sa kanilang nanay. 

Mga Ebidensya 

Nang tanungin naman ni Idol Raffy kung sino ang lalaki sa mga larawang ebidensya na dala ng mga bata, ayon kay Jocelinda ay kababata nya lamang ito. Ito umano ang tumulong sakanya noong walang wala siya. Itinanggi nya na ito ang lalaki nya na syang hinala ng pamilya nya na lalaking kinakasama nito. 

Blessings Para Sa Pamilya 

Sa kabilang banda, may isang OFW naman na nagbigay ng donasyon para sa mga bata upang makapagsimula ng bagong buhay.

Source: Youtube

Facebook Comments