Part 2: Legendary P*kboi, Nakatikim Ng Malut0ng Na Sampal Mula Sa Ex

8679

Kamakailan ay nagviral sa social media ang kwento ni Ruby Rose Allosa na dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo upang ireklamo ang dating kinakasama na si Emerson Aragon na hindi nagbibigay ng sustento kung hindi sila magsisiping muna ng dating ex.

Paghaharap

Nang bumalik si Ruby Rose sa tanggapan ng Raffy Tulfo In Action ay kasama na nito si Richselle Alberto, isa rin sa limang naanakan ni Emerson. Nagkasundo ang dalawa na dumulog upang matigil na ang ginagawang panloloko ni Emerson sa kababaihan.

Ng dumating si Emerson, sinabi nitong may kaso ng nakasampa sa kanya galing kay Ruby Rose kung kaya’t minabuti ni idol Raffy na huwag ng pag-usapan ito at magfocus sa nangyari kay Richselle.

Baluktot Na Palusot

Sa kanyang pagpapaliwanag, ibig palabasin ni Emerson na kasalanan din ng mga babae ang nangyari sa kanila, sapagkat pumayag silang pumatol sa kanya bagamat alam nilang may kinakasama na siyang babae.

Kinekwestyon din nito ang kanyang anak kay Richselle. Pati ang pananak!t ni Emerson kay Richselle na may kaukulang medical certificate ay itinatanggi pa rin nito. Pumayag si Emerson sa mungkahi ni idol Raffy na magpa DNA test upang masigurado kung siya nga ang ama ng anak ni Richselle.

Malutong Na Sampal

Ng matapos na ang segment at palabas na ang mga panauhin sa studio, hindi siguro napigilan ni Ruby Rose ang kanyang gal!t at emosyon kung kaya’t buong lakas nitong sinampal si Emerson na ikinagulat ng lahat.

Ang co-host na si Sharee ay lubhang nagulat at napatakip ang kamay sa mukha sa “sh0ck” sa nangyari. Sinubukang hingin ni emerson ang video ng pagsampal, ngunit sinabi ni Raffy na pat4y na ang kamera ng mangyari ito, at maging ang ibang staff ay hindi rin nasaksihan ang sampalang naganap. Sadya sigurong mabilis ang karma sa isang manlol0kong tulad niya.

Source: Youtube

Facebook Comments