Nanay, Inginudngod Ng Anak Nang Dahil Sa Softdrinks; Away Lumala

4112

Isang malaking alitan sa gitna ng mag-ina na sina Elena De Guzman at Analyn Rivera ang sinubukang solusyonunan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa. 

Alitan Ng Mag-ina 

Ang mananahi na si Aling Elena, nanay ni Analyn ay dumulog kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang anak na si Analyn dahil sa diumano iregular na pagsuporta nito sa dalawang anak. Nang makaharap si Analyn ay itinatanggi nito ang mga paratang ni nanay Elena.

Umiiyak pa itong nagsabi na ito ay pinagsamantalahan ng kanyang amo sa Saudi. Si nanay Elena naman ay pangiti-ngiti lamang sa mga litanya ng anak. Ayon kay nanay Elena, ubos na ang luha nito para sa anak kaya naman hindi ito iiyak.

Iregular Na Sustento 

Sa pag-iimbestiga ni Raffy ay lumabas ang katotohanan na hindi regular ang pagbibigay ni Analyn ng sustento nito sa mga anak. At napag-alaman pa na dinidiretso nito ang pera sa kanyang mga anak at hindi kay nanay Elena. Ayon kay Raffy, isang kamalian ito dahil si nanay Elena ang higit na nakakaalam ng kung ano ang mga higit na kailangan ng mga bata sa bahay. Tulad ng mga pambayad sa kuryente, pang-enroll sa eskwelahan, at iba pa.

Pagho-hostess Ni Analyn 

Naungkat ang mga naging away ng mag-ina na kung saan ay naungkat din ang pagiging hostess ni Analyn at pakikipagrelasyon sa iba’t ibang lalaki. Paratang ni Analyn sa ina, ibinubugaw umano sya ni Elena sa iba’t ibang lalaki, na sya namang pinamalian ng huli. Ganunpaman, may kaalaman si Nanay Elena sa pagiging hostess ng anak dahil ayon kay Analyn ay madalas silang lumalabas at nagsa-shopping. 

Ugat Ng Samaan Ng Loob

Minabuti ni Raffy na idulog na lamang ang desisyon sa usaping suportang pinansyal sa MSWD.

Nag-focus si Raffy na pagbatiin ang dalawa at wakasan ang alitan ng dalawa na napag-alaman nito na nagsimula sa away sa softdrinks. Naikwento ni nanay Elena na nginudngod ito ng anak dahil lamang sa softdrinks kaya naman hirap ang loob nito na mapatawad agad agad ang kanyang anak. 

Source: Filipino Clip

Facebook Comments