Ogie Diaz Kay Phillip Salvador: “Mamatay Ba Agad? Hindi Ba Pwedeng Manahimik Lang Muna”

13473

Naging kontrobersyal ang naging pahayag ng aktor na si Phillip Salvador ukol sa mga tumutuligsa sa Pangulong Duterte. Maraming netizens ang hindi sumang-ayon sa komento na,

“Mam4tay kayong lahat” para sa mga detractors umano ng pangulo sa kabila ng mga effort nito na maisaayos at maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino. 

Banat Ni Ogie Diaz 

Isa sa mga nagbigay ng reaksyon ay ang talent manager na si Ogie Diaz. Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagpahatid ito ng open letter para sa aktor na si Phillip Salvador. Kinwestyon nito ang pahayag ng aktor, 

“Paano kung me mga kamag-anak kang detractors ng Pangulo?  Gusto mo rin silang mamat4y, gano’n?”

Open Letter 

Bagaman nagpahayag ito ng pagmamahal sa kapwa artista, diretsahan nitong sinabi ang kanyang naramdaman sa kung ano ang naging komento ng aktor. Aniya,

“Hindi ko lang gusto ‘yung mensahe mo para sa mga bumabatikos sa Pangulo.  Mam4tay ba agad?  Hindi ba pwedeng “manahimik” lang muna, kahit nga “mam4tay kayo sa inggit,” kaya nang tanggapin, eh.”

Nobody Is Perfect

Iginiit nito na pati ang mga DDS ay hindi nagustuhan ang sinabi ng aktor. Aniya ay walang taong perpekto, maging ang presidente at si Ipe bilang tao. 

“Masasakit ang mga comments sa ‘yo ng netizens.  Kahit nga yata ‘yung ibang DDS, hindi nagustuhan ang sinabi mo.  Nobody’s perfect.  Kahit ang Pangulo, hindi rin perpekto.” 

Hinay Lang

Hirit pa ni Ogie, kahit ito ay madikit pa kay Sen. Bong Go ay hindi nito kakayanin na magbitaw ng mga salitang sinabi nito. Pati na rin umano si Bong Go na syang bino-bodyguard umano ni Salvador. Kaya naman payo nito sa aktor, 

“Kaya sana, hinay-hinay lang.  Para hindi mag-reflect sa Pangulo.”

Matatandaang binitiwan ni Salvador ang nasabing kontrobersyal na komento kahapon sa State of the Nation Address (SONA) ng pangulo. Marami ang nagtaas ng kilay at kumondena sa naging pahayag ng aktor. 

Source: Facebook

Facebook Comments