P500 Allowance Ng Senior Citizens, Students, PWDs, Solo Parents, Pinirmahan Ni Mayor Isko

282625

Naisakatuparan at napirmahan na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pangakong ordinansa na syang magbibigay ng P500 monthly alowance para sa mga grade 12 students na nakapabilang sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa Maynila. Kasabay nito ay makakatanggap din bawat buwan ang mga senior citizen, solo parents, at PWDs ng P500 na financial assistance. 

Pirmado Na! 

Ngayong araw ay napirmahan na ang pagpapatupad ng dagdag na allowance para sa mga estudyante at piling mamamayang lokal na residente ng Maynila. Maeenjoy na ng mga grade 12 students ang P500 monthly allowance na maaaring makatulong sa dagdag na expenses sa kanilang pag-aaral. Ang karagdagan naman na allocation para sa mga senior, solo parents, at PWDs ay malaking tulong para sa dagdag na panggastos sa kanilang maintenance o anumang pinaglalaanan. 

Social Amelioration Program 

Masaya nitong ibinahagi ang bilis ng pagpapasabatas ng social amelioration program. Sa loob lamang ng tatlong linggo ay naipasa ito sa pamumuno ng kanilang butihinh vice-mayor Honey Lacuña. Puno ng pasasalamat ang alkalde sa mga Manilenyo dahil aniya binigyan sya ng vice-mayor na sumusuporta sa kanya. Upang maging pormal ang pagrerepresenta ng ordinansa ay ipinaliwanag muna ni Mayor Isko ang batas. 

Pangako Ni Mayor Isko 

Matatandaang noong kampanya umano ay mga senior citizen lamang ang pinangakuan ng alkalde ng karagdagang allowance. Ngunit nang mapag-alaman ni Moreno na maraming solo parent ang nagigipit ay isinama na ang mga ito sa listahan.

Kasunod nyan ay ang PWDs dahil ayon kay Mayor Isko ay nangangailangan ng sustenance. 

Oportunidad Sa Mga Senior At PWD

1 bilyong piso ang ilalaan ng Manila government para sa nasabing programa. Dagdag pa riyan, nakipag-partner ang gobyerno ng Maynila sa mga fast-food chains na kung saan ay tatanggap ang mga ito ng mga PWDs at senior citizens na nais makapagtrabaho. 

Inulan ng pasasalamat mula sa mga netizens at mga Manilenyo ang isa na namang mabilis na aksyon mula kay Mayor Isko. Anila ay unti-unting natutupad nito ang mga binitiwang pangako para sa kanilang lungsod. 

LIVE: Signing of ordinances with Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Joel Chua and Members of the Manila City CouncilOrdinances granting a P500 monthly allowance for Grade 12 students and a P500 monthly financial assistance for senior citizens, PWDs, and solo parentsThese ordinances are part of the social amelioration stimulus package of the new Manila City government, para sa mga Batang Maynila#CommitmentDelivered

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Woensdag 24 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments