Pacquiao Kay Mayor Isko: “Hindi Lang Niya Alam Ang Kahirapan, Nararamdaman Niya Rin Ito”

4513

Dumalo bilang panauhing pandangal ang tinaguriang “People’s Champ” na si senador Manny Pacquiao sa Flag Raising ceremony sa lungsod ng Maynila kasabay ng pagselebra ng Buwan Ng Wikang Pambansa. Nagbigay ang senador ng suporta sa butihing alkalde at sinabing malayo pa ang mararating ng mayor ng Maynila.

Parehong Laki Sa Hirap

Maraming similaridad sa pagkatao ni senador Pacquiao at ni Mayor Isko Moreno. Pareho silang galing sa hirap, at pareho silang mahal na mahal ng taumbayan. Kung kaya’t napakasarap tingnan ang dalawa na magkasama dahil masasabi nating ang mga katulad nila ang kailangan ng ating bansa.

Sinabi ni Senador Pacquiao kay mayor Isko na “Hindi lang niya alam ang kahirapan, nararamdaman niya rin ito. Ganyan kaming mga lider na mahihirap.” Gumanti naman ng papuri ang mayor at sinabing “Tulad ng aking mga kapwa Batang Maynila, si Pacman ay galing sa hirap at nagsumikap sa maraming aspeto ng buhay, mapa-pulitikal man o sa larangan ng boksing.”

Papuri Kay Mayor

Sa isang speech na ginanap sa flag-raising ceremony sa Maynila kanina, sinabi ni senator Pacquiao na masuwerte ang mga taga-Maynila sapagkat mayroon silang mayor na masipag at walang takot na hinaharap ang mga problema ng lungsod, para sa ikabubuti ng kanyang nasasakupan.

“Magpasalamat kayo dahil napakasipag ng inyong bagong mayor. Iyan ang kailangan natin dito sa bansa natin, isang maayos at tapat na nagseserbisyo sa ating bayan. Kung hindi natin sisimulan sa mababa, walang mangyayari sa ating bansa.” pahayag ni Pacquiao.

Live: Sen. Manny Pacquiao visits Mayor Isko Moreno. "Hindi lang niya alam ang kahirapan, nararamdaman niya rin ito. Ganyan kaming mga lider na mahihirap. " – MP

Geplaatst door Isko Moreno Domagoso op Zondag 28 juli 2019

Baka Hindi Lang Sa Maynila

Sinabi rin ng senador na kung ipagpapatuloy lamang ni mayor Isko ang kanyang mga nasimulan, malayo ang mararating nito sa larangan ng pagsisilbi sa bayan. Maaaring hindi lamang sa Maynila kundi sa mas mataas na posisyon pa sa gobyerno.

“Mayor, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo, malayo pa ang mararating mo. Baka hindi lang dito sa Maynila ang pagserbisyuhan mo,” ang sabi ng senador na sinalubong naman ng masigabong palalpakan ng mga empleyado ng City Hall.

Buwan ng Wikang Pambansa. Flag Raising Ceremony.. Mayor Francisco "Isko Moreno" DomagosoPanauhing Pandangal…Senator Manny Pacquiao..Parehong Laki Sa HirapKaya Mahal Ng Mga Tao.Mabuhay po kayo.#BagongMaynila.

Geplaatst door Mga Kwento Ni Ka Luisa op Zondag 28 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments