LEGENDARY: Palabang Ex Nagsama Ng Isa Pang Ex Nang Nirereklamo Niyang Lalaki Kay Tulfo

5740

Gisado sa sarili niyang mantika ang lalaki na si Emerson Aragon nang bumalik si Ruby Rose Allosa sa tanggapan ni Idol Raffy Tulfo na may dalang pasab0g. Matatandaang noong July 7 ay dumulog na si Ruby Rose sa Aksyon sa Tanghali dahil inirereklamo niya ang tatay ng anak niya na gusto daw ay m0tel muna bago ibigay ang sustento.

Ang pagbabalik

Muling bumalik sa Raffy Tulfo in Action si Ruby Rose, pero ngayon ay kasama na si Richselle Alberto, na naanakan rin ni Emerson. Sa katunayan, pang limang panganay na pala nito ang kay Alberto.

Napagalaman sa programa na may kaso na palang naisampa si Ruby Rose at umandar na ito kaya wala nang maitutulong si Tulfo, kaya naman pinagtuunan nila ng pansin ay ang pambubugb0g at pagbigay sustento ni Emerson sa anak nila ni Richselle.

Pagdududa

Kalaunan, si Emerson pa pala ang nagdududa kung talaga bang sakanya ang anak na sinasabi ni Richselle. Si Tulfo na mismo ang nagsabi na ipapa DNA test niya ang dalawa upang malaman ang totoo.

Bukod sa pagsisinungaling nahuli rin sa kanyang bibig ang pride ng lalaki at pag papaikot nito sa mga pinagsasabi niya. Tahasan niyang idineny na nananakit siya kahit umiiyak na si Richselle.

Pagmamalaki

Nawa’y hindi pa kuntento sa mga kasinungalingan na sinabi dinagdagan pa ni Emerson ang ga1it sakanya ng mga tao sa kanyang mga sinasabi. Tinanong niya si Ruby Rose kung bakit hindi nalang naisip na yung pinang-bail niya kanina ay ibinigay nalang sana sa anak nila.

Dagdag pa nito, nung dumating daw yung apat na nanay ng mga panganay niya, ay talagang may ka-live in na siya at sila pa daw ang may mali kung bakit sila pumatol sa may karelasyon na.

Dito na pumagitna si Tulfo at sinabing v!ctim blam!ng ang ginagawa ng lalaki. Tinapos na nito ang programa at nang papatungo na sila sa office, nakatikim ng matinding sampal si Emerson mula kay Ruby Rose, sayang lang at hindi nahagip ng camera.

Facebook Comments