LOOK: Viral Photos Ng Pagpapaganda Sa Lagusnilad Matapos Ang Clearing 0perati0n

56024

Matapos ang clearing operati0n sa Lagusnilad dalawang araw na ang nakakalipas, ngayon naman ay pinipinturahan ito upang muling maibalik ang dating kulay at ganda nito. Higit pang magiging kaaya-aya ito sa mga tao na magtiwalang dumaan rito na ngayon ay sinasabing ibinabalik ni Manila Mayor Isko sa taumbayan. 

V!ral Photos 

Viral ngayon ang mga larawan ng patuloy na pagpapaganda ng Lagusnilad, ang kilalang underpass na matagal ding naging tahanan ng mga maliliit na stall vendor ng kung ano anong maaaring mahanap, na syang tila isang mini-Divisoria. Kung noon ay masikip ang underpass dahil sa mga informal vendors na nakapwesto sa lugar, ngayon naman ay malinis na ito, malinis, at patuloy pa sa pagganda. Malayo sa marungis at lumang anyo nito noon.

Pagpapaganda Sa Underpass 

Maraming netizens ang natuwa at suportadong suportado ang mga balakin ni Mayor Isko Moreno para sa patuloy na pagbangon at progresibong Maynila.

Bagaman nagiging isang malaking isyu ang mga clearing 0perations sa Maynila ngayon at nagiging ugat ng mga debate dahil maraming natatamaang mga maliliit na vendor, nananatiling matatag ang loob ng alkalde ng Maynila na harapin ang mga akusasyon na ito ay anti-poor.

Pangako Sa Mga Vendor 

Sa isang interview ay ipinangako naman ni Moreno na nilalakad na ang paghahanap ng tamang lugar ng pagtitinda para sa mga natamaang vendors sa mga isinagawang clearing 0perations sa lungsod. Pangako naman ng alkalde na hindi nito papabayaan ang bawat Manilenyo at bawat isa ay kasamang aangat sa diumano muling pagbangon nito. 

Malaki Ang Pasasalamat 

Malaki ang pasasalamat ng maraming netizens partikular na ang mga Manilenyos dahil sa pag-uuna ni Mayor Isko ng mga pangangailangan ng bawat residente ng kanilang lungsod.

Hangad ng mga ito na maging mas matatag at masipag ang alkalde sa pagtatrabaho para sa mga Manilenyo. Ngayong malinis na ang Lagusnilad, hiling ng karamihan na maging secure ang lugar upang maging mas ligtas itong daanan ng mga tao lalo na sa gabi. 

Source: ABS-CBN News

Facebook Comments