Nurse Cabin Crew, Pinoy Nurse, Tinulungan Mapaanak Ang Isang Ginang Sa Loob Ng Eroplano

3377

Inulan ng papuri ang isang nurse na tumulong sa isang ginang nang mag-labor ito sa loob ng eroplano. Kinilala ang matulunging nurse bilang si Francis Dominic Mendoza. Lulan ang mga pasahero sa eroplanong buhat sa Doha, Qatar at pauwi ng Pilipinas. 

Nanganak Sa Eroplano 

Nang nasa kalagitnaan ng flight at nasa bandang Thailand nang makaramdam ng paghilab ng tyan o labor ang isang ginang. Wala namang pagtumangging tumulong ang nurse na si Francis na tulungang mapaanak ang ginang. Kasama nito sa pagtulong ang mga Pinoy crew ng eroplano gamit lamang ang first aid kit ng eroplano at ang iba pang improvised na kagamitan. 

Emerg3ncy Landing 

Kasunod ng pagpapaanak sa ginang ay nag-emergency landing ang eroplano sa Bangkok, Thailand upang mabigyan ng mas komprehensibong medikal na atensyon ang ginang at ang sanggol nito. 

Inulan Ng Pasasalamat

Sa kabilang banda, ang tubong Bacolod na si Mendoza ay nagtatrabaho bilang isang nursing staff mula sa bansang Ireland. Inulan ng maraming papuri at pasasalamat si Francis mula sa mga netizen dahil sa ipinakitang pagtulong nito sa ginang. Hilig nila ay ulanin ng blessings ang nurse dahil sa pagkakaroon nito ng mabuting puso. Hirit naman ng iba, ang mga katulad ni Mendoza ang kinakailangan ng Pilipinas dahil sa dedikasyon nito. 

Saludo! 

Ang viral post naman ng ABS-CBN ay sinegundahan ng komento ni Francis na kung saan ay nagpabatid din ito ng pasasalamat para sa cabin crew na tumulong sakanya sa matagumpay at ligtas na pagpapaanak sa ginang. Ang pangalan umano ng cabin crew ay Kat Nonan. 

Aniya, kung wala ito ay hindi nito maisasagawa ang matagumpay na pagtulong sa mag-ina. Kinilala nito ang katapangan at dedikasyon ng mga nakasamang mga cabin crew ng airline. 

Proud Pinoy

Tunay na nakakabilib ang dedikasyon at bukal sa loob na pagtulong ng mga Pinoy sa kapwa nito nasa loob man o labas ng bansa. Isang napakagandang katangian nating mga Pinoy ang pagiging matulungin sa oras ng pangangailangan. 

Source: ABS-CBN News

Facebook Comments