Dahil Sa Ulam, Pulis Nagwala Sa Isang Karinderya Sa San Juan!

20721

Isang àbusad0ng pulis ang nakuhaan ng video ng pang-aàbus0 sa San Juan City. Ang pinangyarihan ng lugar ay sa isang kainan na kung saan ay makikita ito na bumibili ng ulam. Nagwala ang pulis nang mapansing diumano inaangasan siya ng isang kostumer din ng karinderya. 

Áway Dahil Sa Ulam 

Ayon pa sa viral na video, nagagalit ang pulis nang mapansin nito na inunang asikasuhin ng matandang tindera ang order ng kasabayan nitong binata na kostumer. Doon ay naghuramentad0 na ang pulis at nagbitiw ng masasamang salita sa binatang kostumer. Aniya ay inaangasan umano ito ng binata nang magkasabay silang namimili ng ulam. Ang paratang naman ng pulis ay dineny ng binata. 

Muntik Na Arestuhin 

Maya maya pa ay painit nang painit ang diskusyon at pinipilit nang isama sa police station ang binata na sa una pa lamang ay hindi na gaano umiimik. Tinanong ng pulis ang edad at pangalan ng binata, at hiningi pa ang ID nito. Nagbanta ito sa binata na babalik ito at markado sakanya ang lalaki. Galit na galit ang pulis dahil umano ay binabastos sya bilang pulis. Nang hatakin ng pulis ang lalaki, sa takot ay nagsambit ito ng pagpapasensya sa pulis. 

NaghuramentadOng Pul1s 

Napagbuntunan din ng pulis ng galit ang matandang tindera. Sa huli ay hindi na nito kinuha ang mga ipinagbalot na mga ulam at nagbanta sa tindera na kailan man ay hindi na ito bibili sa karinderya. Nang makasakay sa sasakyan, sinubukan pang ibigay ng matanda ang mga inorder nito ngunit hindi na nito tinanggap ang mga pagkaing nakabalot. Bumalik si nanay na dala ang mga ulam na inorder nito. 

Lagot Kay Hepe 

Inis naman ang mga netizen sa napanood na video. Anila ay dapat na makita ni chief Eleazar ang nasabing video upang mapatawan ito ang karampatang aksyon sa pagiging abusad0 nito sa kanyang trabaho at propesyon. Anila ay nakakalungkot na nang dahil lamang umano sa ulam ay nagpakita ito ng hindi magandang pag-uugali. 

Pag ganito kasabay mong pulis sa tindahan kabahan kana!

Geplaatst door Videos Mo'to op Zaterdag 6 juli 2019

Source: Facebook

Facebook Comments