Idol Raffy, Humalakhak Sa Katatawa Dahil Sa Ingliserong Kausap Niya!

7479

Taliwas sa ibang mga eksena na madalas nating mapanuod sa sikat na programang Raffy Tulfo In Action, ang naturang episode noong Hulyo 24, 2019 ay good vibes sapagkat hindi mapigil ni idol Raffy Tulfo ang sarili na humalakhak dahil na rin sa pagpip!lit uminglis ng kausap nito sa telepono.

Nosebl33d Si Idol

Dumulog ang inang si Mary Ann sa tanggapan ni idol Raffy upang humingi ng tulong na makuhang muli ang 2 taong gulang na anak na kinuha ng ina ng kanyang dat!ng kinakasama at inuwi sa Mindoro. Ayon kay Mary-Ann, nagpaalam umanong hihiramin ang kanyang anak, ngunit huli na ng malaman niyang dadalhin pala ito sa probinsya.

Ng makausap ni idol Raffy ang ama ng bata na si Greggy Victorioso, agad itong bum4nat ng inglis, bagamat halata na hindi naman ito ganun kasanay, at nahihirapan ito sa pag i inglis nito.

“It’s My Neighborhood”

Kahit sinabihan na ng dat!ng kinakasama si Greggy na mag tagalog na lang dahil nahihirapan siya sa pag-English ay diretso pa rin ito. Napabunghalit si idol Raffy sa tawa dahil halatang pinipil!t nito ang sarili sa pag-English.

Nang may tila kinakausap si Greggy sa kabilang linya ay tinanong ito ni idol Raffy kung sino ang kausap niya. Ang sinagot ni Greggy ay “it’s my neighborhood”, at sa puntong ito ay hindi na napigilan ni idol Raffy at napahagalpak na ito ng tawa.

All Is Good Kay Idol

Sa huli ay napapayag naman ni idol Raffy na ibigay ng matiwasay ng ama ang kust0diya ng anak sa kanyang kinakasama, sapagkat ito ang nasasaad sa ating saligang batas. Nuong una ay gusto ni Greggy na siya ang maghahatid sa kanyang anak, pabalik dito sa Maynila, ngunit mas minabuti ng ina na siya ang kumuha doon sa probinsya para sigurado.

Napagpasyahan ng magkabilang panig na kukunin na lamang ni Mary Ann ang anak, kasama ang staff ni idol Raffy Tulfo sa Mindoro, upang agad na rin itong makasama ng kanyang ina.

Source: Youtube

Facebook Comments