Inulan Ng Galit Ang Mga Sakay Ng Bus Na Di Nagpaupo Sa Mag-Asawang Matanda

15100

Hindi na bago ang pagpost ng mga hinaing at reklamo sa social media. Bagaman may mga reklamo na nakakainis, mayroon din namang mga post na nakakatawa at may iba na nakakaantig ng puso. Tulad nalang nitong post Jovit Je Lim na humakot ng galit ng ng mga netizens.

Tayuan

Kasama ng post ni Jovit ay ang mga litrato na sinend daw sakanya ng asawa niya habang ito ay nakasakay sa Ceres na bus papauwi sa bahay nila. Sa mga picture, kita ang magasawang matanda na nakatayo sa gitna ng bus.

Sabi ng asawa ni Jovit kung hindi lang daw siya buntis ng anim na buwan na ay papaupuin niya ang matatanda. Subalit kailangan din niyang maupo. Nagtataka siya sa mga iba na mukha naman daw healthy pero mga ayaw magpaupo.

Ayon pa sakanya, para daw hindi matumba ang magasawa, nagyayakapan nalang sila. Sa kabila ng ito, wala padin nagpaupo sakanila sa mga nakasakay din sa bus.

Walang patawad

Dagdag pa ng asawa ni Jovit, grabe daw talaga ang mga tao ngayon. Mga hindi marunong maawa, napakasakit nga naman makita ang dalawang matanda na hindi man lang tinutulungan.

“Dong.. kawawa naman si nanay at tatay, kung di lang ako 6 months pregnant ako na nagpaupo sakanila, kawawa talaga. Nagyayakapan nalang sila para di sila matumba.”

Ayon pa sa asawa niya, pinaupo nalang daw niya si nanay pagdating sa bus stop. Pero ganun padin ang mga kasama nila walang malisya at parang walang nakita.

“At ang mas nakakagalit, wala man lang nagpaupo sakanila. Kahit na napaka-healthy naman ng mga taong nakapalibot samin. Naawa talaga ako. Pinaupo ko nalang si nanay pagdating namin bus stop sa Manjuyod. Grabe mga tao ngayon mga walang puso.. Di marunong maawa.”

Galit at inis

Ang mga netizens naman ay hindi mapigilan na magcomment ng kanilang mga inis at galit dahil sa kawalan ng aksyon ng mga ibang tao na nakapaligid sa mga matatanda sa bus.

Source: Facebook/Jovet Ji Lim

Facebook Comments