Stressed? Mayor Isko, Sinagot Ang Agam-agam Kung Bakit Ito Pumayat

7815

Hindi lingid sa marami na simula nang maupo bilang alkalde ng Maynila si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay naging lubos ang pagka-abala nito sa trabaho. Marami ang nababahala sa kalagayan at estado ng kalusugan nito. 

Namamayat Nga Ba Si Mayor Isko? 

Sa isang panayam sa DZMM ay nagkaroon ito ng pagkakataon na masagot ang mga agam agam kung bakit ito tila pumayat. Dahil ayon sa mga netizen, ang pagpayat ng alkalde ay dulot ng lubos na pagtatrabaho para sa lungsod. Ayon kay Mayor Isko, desisyon nya ang magkaroon ng firm at payat na pangangatawan.

Kwento pa nito, isang taon bago ang kampanya ay hinanda nito ang sarili, mentally at physically dahil alam nito na magiging masalimuot ang parating na kampanya. 

“A year before the campaign period, talagang I prepared myself. Physically, because I know it’s going to be a tedious campaign,” 

Slow Juicing 

Nakapagbawas ito ng 40 pounds na kung saan ay tinawag nitong “slow juicing.” 

“‘Yung una talaga, by design. Takwarents ‘yun,

Noong una ay nasa 195 pounds ang bigat ng alkalde at sa pamamagitan ng slow juicing ay naibaba nya ito sa 155 pounds. Nagawa rin naman makabawi ng alkade at umangat ito ng 165 pounds at napanatili na nito ito sa ganong bigat. Pagbabahagi pa nito, nitong nakaraan ay nakapagbawas sya ng 5 pounds.

Pursigido Sa Pagbangon Ng Maynila 

Ani Mayor Isko, hindi naging madali ang kampanya na pinagdaanan niya dahil higante umano ang kanyang kalaban. 

Kaya naman ngayon na nasa pwesto na ito ay puspusan ang pagtatrabaho nito para sa pagbangon ng Maynila. Napakarami nang nagawa ni Mayor Isko kahit wala pa man itong isang buwan sa panunungkulan. Kinokonsidera ng mga netizen na isang tunay na rockstar ang alkalde na syang tinitingala ng marami, Manilenyo man o hindi. Tila buo ang suporta at pagmamahal ng maraming Manilenyo kay Mayor Isko.

Source: Politiko

Facebook Comments