Portrait Ni Eddie Garcia Na Iginuhit Ni Michael V., Nagviral

5976

Kilala sa kanyang pagiging malikhain o creative ang komedyanteng si Michael V. Bukod sa pagiging artista at komedyante, marunong din itong kumanta, at sumayaw. Siya rin ang head writer ng programang Bubble Gang. Nakakagulat na pati sa larangan ng pagguhit ay magaling din pala ang beteranong komedyante.

Tribute To Sir Eddie Garcia

Kamakailan ay naging laman ng social media ang Instagram post ng beteranong komedyante na si Michael V. Naisipan niyang gumawa ng tribute sa yumaong si Eddie Garcia sa pamamagitan ng pagguhit dito.

photo courtesy of Instagram/ @michaelbitoy

Marami ang nagulat dahil sa dinami-dami ng talento ng beteranong aktor, ito ang unang beses na ipinakita niya ang kanyang angking galing sa pagsketch o pagguhit. Ang nakamamangha pa dito ay ginawa niya ang sketch sa loob lamang ng labin-limang minuto.

Bitoy Of All Trades

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Bitoy na hindi pa huli para bigyang pagkilala ang isang taong nagsilbi ng institusyon sa industriya ng showbiz. Ang yumaong si Eddie Garcia ay kilala sa propesyunalismo nito, sa kabila ng edad at estado nito sa industriya ay ni minsan ay hindi ito nahuli sa shooting, at lagi itong handang sumabak sa mga tapings.

photo courtesy of Instagram/ @michaelbitoy

“Never too late to pay tribute and honor this late great (but never late) gentleman,” he wrote as the caption. Farewell Sir Eddie,” ang paalam ni Bitoy sa hinahangaang aktor.

Bilib Ang Netizens

Nang makita ng mga netizens ang ginawang portrait ng komedyante, halos lahat ay napahanga sa angkin nitong galing. Marami ang nagulat sa bagong kakayahan na ipinakita ni Bitoy, lalo na’t ginawa lamang ito sa loon ng 15 minuto.

photo courtesy of Instagram/ @michaelbitoy

Ilan sa mga netizens ang nagsabi na bukod sa pagiging magaling na komedyante, magaling din pala ang kamay ng aktor. Ang ilan naman ay pabirong nagsabi na naiinggit sila kay Bitoy na napakaraming talento, samantalang sila ay wala ni isa.

Source: Kami.com

Facebook Comments