Video Ni Kuya Wil Habang Nagpamudmod Ng Pera Sa “Kalye Boys,” Viral!

6353

Usap-usapan ngayon ang nakaka-good vibes na video ni Willie Revillame o mas kilala bilang “Kuya Wil” sa nakararami. Sa viral video nito ay kita ang pamimigay ng pera ni Kuya Wil sa mga kalye boys habang nagliliwaliw sa paglalakad sina Willie at mga staff nito.

Birthday Treat 

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang birthday si Willie na kung saan ay inilibre nito ang lahat ng kanyang staff sa isang restaurant sa Makati, ayon sa balita ng GMA.

Hindi lamang ‘dinner out’ ang treat ni Wil sa kanyang mga staff, bagkus ay pati na din ang pagsho-shopping ng mga ito. Kaya naman habang nasa labas ang grupo ni Revillame ay nakasalubong ng mga ito ang tinawag nilang ‘Kalye Boys.’ 

Kuya Wil With The ‘Kalye Boys’

Nakipagkulitan si Willie sa mga ito na kung saan ay nagpakita ang mga ito ng kanilang talento sa pag-awit at pag-rap. Hindi naman nagpahuli ang mga dancer ng show na kung saan ay nakipagkulitan din sa pagsayaw ang mga ito. Tila kita din ang pagiging “fan” ng mga binata sa show ni Willie dahil ginagaya pa ng mga ito ang mga linya ni Wille sa show nito. Nagpakita din ang mga ito ng short skit ng “Hep Hep Hooray!” na syang kinatuwaan talaga ni Willie. 

Nagpaulan Ng Pera 

Bakas sa mukha ni Kuya Wil ang saya at tuwa sa “Kalye Boys” habang pinapanood ang mga ito. Panay naman ang abot ng pera ni Wil sa mga binata bilang treat na din sa mga ito para sa kanyang kaarawan. 

Viral Post 

Ang nasabing viral video ay pinost ni Adrian Gret na isang executive producer na sya ring natuwa at naaliw sa talento ng mga nasabing kalye boys. 

Kuya Wil with the Kalye boys 😅❤️Ang gagaling kumanta ng mga bata!!! 😍❤️

Geplaatst door Adrian Gret op Donderdag 27 juni 2019

Maagang Pamasko

Kinatuwaan ng netizens si Kuya Wil dahil sa pagse-share nito ng blessings sa mga ordinaryong tao. Hiling nila ay more blessings ang dumating kay Revillame upang mas makatulong pa ito sa maraming tao. Anila ay magtagal pa ang programa ni Wil na syang maraming naibabahaging tulong sa marami. 

Source: Facebook

Facebook Comments